Balita

Jimmy Kimmel, nagsisisin­g isinapubli­ko ang kalagayan ng sanggol na anak

-

MASAYA si Jimmy Kimmel na maayos na ang kalagayan ng kanyang anim na buwang sanggol na si Billy.

Ibinahagi ng 49 taong gulang na night host sa The New York Times tungkol ang sa kalusugan ng kanyang bunsong anak nang ibunyag sa isang monologue sa Jimmy Kimmel Live noong Mayo na sumailalim ito sa open heart surgery, pagkaraan ng ilang oras nang isilang. “He’s going to have another operation coming up soon, and another when he’s around eight to 10 years old,” ani “But he’s doing well.”

Hindi sigurado si Kimmel kung gagawin niya ulit ang pagbubunya­g na gaya nito.

“What I didn’t think through was that, everywhere I went, every day of my life, people would be asking me how my son is doing,” aniya. “But thank God I can say he’s doing well. If that wasn’t the case, each day would be very, very painful.”

Bagamat naharap na rin naman siya sa ibang isyu, sinabi ni Kimmel na utang niya sa kanyang mga manonood ang paliwanag tungkol sa kanyang pagkawala.

“I also felt like I had to say something, because I’d been talking about the fact that my wife (Molly McNearney, the co-head writer of Jimmy Kimmel Live!) was pregnant for six months,” aniya. “I left for paternity leave and then I didn’t come back. That was something I had to address.” Sa isang ekslusibon­g panayam ni Kevin Frazier ng ET, nagsalita si Kimmel tungkol sa mga natanggap niya mula sa kanyang fans na lantad na pinag-uusapan ang isyu sa kalusugan ng kanyang anak. “People were so nice and people are still nice,” aniya. “They come up to me and ask me how Billy is and, you know, it’s really nice to get that from people. I think it’s the result of just being on television for so many years. You feel like you know somebody and people say they’re praying. It means a lot.” Nang kumustahin si Billy, inihayag ni Kimmel na, “He’s a fat little baby and he’s getting big.” Nakausap ng ET sina Kimmel at McNearney sa 2017 Emmy Awards nitong nakaraang buwan, at muling nagbahagi ang TV host tungkol sa kalagayan ni Billy. “He’s doing great,” aniya. “He’s smiling. He’s doing all the things that babies do, most of them disgusting.”

 ?? Jimmy ??
Jimmy

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines