Balita

Gerard Butler, naaksident­e sa motorsiklo

-

MAAYOS na ang kalagayan ni Gerard Butler na nasugatan sa aksidente sa motorsiklo sa Los Angeles.

Sumemplang ang motorsiklo­ng minamaneho ng 47 taong gulang na Geostorm actor nang masagi ng isang kotse, ayon sa ulat ng TMZ. Isinugod sa pinakamala­pit na ospital ang aktor at ginamot ang mga natamong sugat at pasa, ngunit walang nabaling buto sa kanyang katawan.

Sinabi ng tagapagsal­ita ni Butler na pagkaraan ng isang linggo mula nang maganap ang insidente ay “(doing) fine” na ang aktor.

Hindi ito ang kanyang unang aksidente.

Noong 2011, sinakloloh­an siya sa isang aksidente habang nagsu-surf sa Northern California. Hinila ang aktor mula sa ilalim ng tubig at dinala sa mabatong reef noong 2011 bunsod ng bugso ng malalaking alon habang sinu-shoot ang pelikulang Of Men and Mavericks.

Tulala siyang isinugod sa ospital bagamat wala namang tinamong malubhang sugat. Lumabas ang balita ng aksidente bago ang release sa Oktubre 20 ng Geostorm, ang kanyang bagong sci-fi thriller, kasama si Abbie Cornish. Nasa New York City ang aktor nitong nakaraang linggo upang i-promote ang bagong pelikula. Sa paglabas niya sa Late Night with Seth Meyers, ibinunyag ni Butler na tagahanga siya ng nakakatako­t na aksiyon, at nagpa-inject pa ng lason ng bubuyog ng dalawang beses. “I don’t know what I was thinking,” ani Butler, at sinabing nakipag-ugnayan siya sa kanyang nutritioni­st nang sumakit nang husto ang namamaga niyang braso. “He goes, ‘check this out! This is probably about 2.3 bee stings.’ And he gives me a shot in the arm.” Umayos ang kanyang pakiramdam pagkatapos ng unang injection— “So he gives me another ten! Basically 23 bee stings.” Aniya, nagsimula siyang magkaroon ng “worst” allergic reaction, sa pamamaga ng kanyang braso at pananakit ng dibdib. Naging maayos naman ang lahat, pero inamin ni Butler na muntik na niyang ikamatay iyon.

 ?? Gerard ??
Gerard

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines