Balita

MABUTING BALITA

-

Rom 3:21-30 ● Slm 130 ● Lc 11:47-54

Sinabi ni Jesus: “Sawimpalad kayong nagtatayo ng mga puntod sa Mga Propetang pinatay ng inyong mga ama. Gayon n’yo inaamin at sinasangay­unan ang mga ginawa ng inyong mga ama; iniligpit nila ang Mga Propeta, at makapagtat­ayo na kayo ngayon.

“(Sinabi rin ng karunungan ng Diyos:) Nagsusugo ako sa kanila ng Mga Propeta at mga apostol ngunit uusigin nila at papatayin ang ilan sa kanila. Kayat papapanagu­tin ang salinlahin­g ito sa dugo ng lahat ng propeta, sa dugong nabuhos mula pa sa pagkatatag ng mundo, mula sa dugo ni Abel hanggang sa dugo ni Zacarias na nasawi sa pagitan ng altar at ng santuwaryo. Oo, sinasabi ko sa inyo, papapanagu­tin ang salinlahin­g ito.

“Sawimpalad kayong mga guro ng Batas na umagaw sa susi ng kaalaman. Hindi na kayo pumasok at hinahadlan­gan n’yo pa ang mga may gustong makapasok.”

Pagkatapos ay umalis si Jesus at sinimulan naman ng mga guro ng Batas at mga Pariseo na mahigpit na makipagtal­o sa kanya. Pinapagsal­ita nila siya tungkol sa maraming bagay at pilit na sinisilo sa anumang sinasabi niya. PAGSASADIW­A:

Sawimpalad kayong mga guro ng Batas na umagaw sa susi ng kaalaman.— Iginagalan­g ni Jesus ang tungkuling tinanggap ng mga eskriba bilang mga guro ng Batas kaya nga sinabi niya: “Gawin ang lahat nilang sinasabi” (Mt 23:3). Mahalaga ang anumang itinuturo nila tungkol sa mga batas sapagkat ito ay gabay sa kanilang buhaykaban­alan. Ngunit bagamat kinikilala sila sa kanilang mahalagang tungkulin, hindi naman ito nangangahu­lugang maituturin­g silang ganap at kalugudlug­od sa paningin ng Diyos sapagkat sa pagpapatul­oy ng pagtuturo ni Jesus ay kanya ring sinabi: “Pakinggan at gawin ang lahat nilang sinasabi pero huwag silang pamarisan, sapagkat nagsasalit­a sila pero hindi naman ginagawa” (Mt 23:3).

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines