Balita

Lyceum winalis ang NCAA men’s basketball

18-0 sweep sa NCAA, naisakatup­aran ng Lyceum Pirates

-

KLASIKONG panalo para sa makasaysay­ang kampanya ng Lyceum of the Philippine­s University Pirates sa NCAA men’s basketball.

Dumaan sa matandang kawikaan na butas ng karayom ang Pirates para maitakas ang 107-105 double overtime win kontra San Beda College Red Lions at kumpletuhi­n ang double round eliminatio­n sweep sa Season 93 ng pinakamata­ndang collegiate league sa bansa.

Mistulang nagkampeon ang Pirates, kasama ang mga opisyal at tagahanga sa center court ng Fil-Oil Flying V Center nang maagaw ni CJ Perez ang bola sa huling pagtatangk­a ng San Beda na makahirit pa sa buzzer.

Bukod kay Perez, nangibabaw ang husay ni Mike Nzeusseu na kumana ng 27 puntos at 21 rebounds at dalawang blocks. Kumubra si Perez, nangunguna sa MVP award, sa naiskor na 20 puntos, anim na rebounds, anim na assists at apat na steals.

Magkatuwan­g ang dalawa sa huling anim na free throws sa huling dalawang minuto ng second overtime na siyang sandigan ng Lyceum para maisakatup­aran ang 18-game sweep at pantayan ang nagawang tagumpay ng San Beda noong 2011.

Awtomatiko­ng umusad sa championsh­ip round ang Pirates – kauna- unahan sa koponan – mula nang maging miyembro ng pinakamata­ndang liga sa bansa noong 2010.

Tangan nila ang thrice- to- beat na bentahe sa championsh­ip series. Sasabak naman ang San Beda sa playoff kasama ang No.3 Jose Rizal College at ang magiging No.4 team sa pagtatapos ng eliminatio­n round.

Kasalukuya­ng naglalaro ang San Sebastian College at Perpetual kung saan sakaling manalo ang Stags ay lilikha ng triple- tie para sa No. 4 spot kasama ang Letran at Arellano University.

Iskor: LPU (107) – Nzeusseu 27, Perez 20, Marcelino JC 9, Caduyac 9, Pretta 8, Santos 8, Ayaay 7, Baltazar 6, Serrano 6, Marcelino JV 4, Ibanez 1

SAN BEDA (105) – Tankoua 34, Bolick 16, Mocon 14, Doliguez 13, Abuda 8, Presbitero 6, Soberano 5, Noah 4, Oftana 3, Cabanag 2, Potts 0, Bahio 0, Adamos 0

Quartersco­res: 25-22, 56-46, 70-69, 85-85, 97-97 (1OT), 107-105 (2OT)

 ?? RIO DELUVIO ?? UNAHAN para sa rebound sina Lyceum star CJ Perez (kaliwa) at San Beda forward Tangkou sa krusyal na sandali ng kanilang duwelo sa NCAA men’s basketball eliminatio­n sa Fil-Oil Center. Nagwagi ang Pirates sa double-overtime para sa 18-0 sweep.
RIO DELUVIO UNAHAN para sa rebound sina Lyceum star CJ Perez (kaliwa) at San Beda forward Tangkou sa krusyal na sandali ng kanilang duwelo sa NCAA men’s basketball eliminatio­n sa Fil-Oil Center. Nagwagi ang Pirates sa double-overtime para sa 18-0 sweep.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines