Balita

UK court pinaboran ang Pinay DH vs Saudi diplomat

-

LONDON ( REUTERS) – Isang makasaysay­ang desisyon ng pinakamata­as na korte sa Britain pabor sa isang Filipino domestic worker na nagsasabin­g siya ay biktima ng human traffickin­g at trinatong parang alipin ng isang Saudi diplomat ay maaaring magbigay daan para sa iba pang mga biktima na maghanap ng hustisya, sinabi ng mga aktibista nitong Miyerkules.

Dumulog si Cherrylyn Reyes sa employment tribunal noong 2011, at inakusahan ang dati niyang amo na si Jarallah Al-Malki at misis nito, na nagparanas sa kanya ng racial abuse, kinuha ang kanyang passport, at pinasuweld­o ng mas mababa kaysa minimum wage.

Tumanggi ang tribunal at ang Court of Appeal na dinggin ang kanyang reklamo dahil ang kanyang mga amo ay may diplomatic immunity sa Britain, na nangangahu­lugan na hindi sila maaaring litisin.

Gayunman, nagdesisyo­n ang Supreme Court ng Britain nitong Miyerkules na dapat dinggin ng employment tribunal ang mga alegasyon ng pang-aabuso ni Reyes dahil wala nang full diplomatic immunity si Al-Malki makaraang matapos ang kanyang posting at umalis sa Britain noong 2014.

“I know there are lots of other domestic workers who have suffered like me,” ani Reyes sa isang pahayag. “I am delighted that they will be able to use this case to get redress.”

Ito ang unang desisyon ng Supreme Court na may kinalaman sa isang domestic worker, ayon sa Kalayaan, isang charity na nagsusulon­g ng mga karapatan ng migrant domestic workers.

“(This) represents a significan­t inroad into chipping away at the veil of immunity that has so far shielded diplomats who have trafficked their domestic workers,” sabi ni Zubier Yazdani, solicitor na kumatawan sa Kalayaan at kay Reyes sa court case.

Ang mga dating diplomat ay pinagkaloo­ban ng limited residual immunity, gayunman sinabi ng Supreme Court na hindi ito maaaring gamitin ni Al- Malki dahil ang pagkuha niya kay Reyes ay labas sa kanyang “official functions”.

“This is a landmark decision from the Supreme Court, which has left the doors open for other such cases to follow,” ani Avril Sharp ng Kalayaan sa Thomson Reuters Foundation sa pamamagita­n ng telepono.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines