Balita

Maxine, female v version ni Coco

- –Nitz Miralles

MAGANDA ang sagot ni Maxine Medina nang tanungin ng press people sa presscon ng Spirit of the Glass

2: The Haunted kung hindi ba siya na-o-offend kapag tinatawag siyang “Female Coco Martin” dahil hawig daw siya sa aktor.

“Matagal ko nang narinig na female version daw ako ni Coco at okay lang sa akin, okay na okay dahil bukod sa guwapo siya, sikat at magaling pang aktor. Magrerekla­mo pa ba ako? May in-offer nga sa akin na project kasama si Coco, hindi lang namin natanggap ( ng management niya) dahil hindi nagtugma ang schedule namin. In the future, ‘pag may dumating pang offer na makakasama ko si Coco, tatanggapi­n ko,” sagot ni Maxine.

Hindi binanggit ni Maxine kung anong project ni Coco ang inoffer sa kanya at huwag na rin nating kalkalin at baka magkaisyu pa sila ni Bb. PilipinasI­nternation­al Mariel de Leon. ‘Yun ay kung ang

Ang Panday nga ang inioffer sa kanya.

May mga nagtanong kay Maxine kung bakit horror movie ang first film niya dahil inexpect na love story o kaya’y rom-com. Aniya, maganda ang story ng Spirit of

the Glass 2, maraming madidiskub­re ang manonood ‘ pag ipinalabas na starting November 1.

It also gives her a chance to work with Direk Joey Reyes at ang buong cast. Na-test din sa pelikula ng OctoArts Films at T-Rex Entertainm­ent ang fear factor niya na bonggang-bongga niyang nailabas sa mga eksena. Sa October 29 ang celebrity screening ng Spirit of the

Glass 2 at Oct. 30 ang premiere night, pareho sa SM Megamall. May gimik ang OctoArts Films para mas masaya ang premiere night.

 ??  ??
 ??  ?? Coco
Coco
 ??  ?? Maxine
Maxine

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines