Balita

19 pupils naospital sa spaghetti, burger

- Mary Ann Santiago

Nasa 19 na mag- aaral sa elementary­a ang hinihinala­ng nabiktima ng food poisoning matapos na sumakit ang mga tiyan at nagsuka nang kumain ng handa mula sa sikat na fast food chain at popular na bakeshop sa birthday party ng isa nilang kaklase sa Barangay Calumpang, Marikina City, kahapon.

Kaagad namang isinugod sa Amang Rodriguez Medical Center siyam na lalaki at 10 babaeng magaaral sa Grade 2 sa Calumpang Elementary School upang malunasan.

Ayon kay Eastern Police District (EPD) Director Chief Supt. Romulo Sapitula, dakong 8:00 ng umaga kahapon nang kumain ang mga estudyante ng spaghetti, burger, at softdrinks na nai-deliver ng isang fast food restaurant, at cake na galing naman sa isang sikat na bakeshop, para sa birthday party ng isa nilang kaklase na ipinagdiwa­ng sa paaralan.

Gayunman, makalipas ang isang oras, o pagsapit ng 9:00 ng umaga, ay sumakit na ang tiyan at nagsusuka ang mga estudyante kaya mabilis na dinala sa ospital ang mga bata.

Matapos na masuri ng mga doktor at matiyak na maayos na ang kondisyon ay pinayagan nang makauwi ang mga estudyante bandang 3:00 ng hapon.

Ayon sa doktor ng pagamutan, maaaring nagkaroon lamang ng reaksiyon ang tiyan ng mga bata sa softdrinks, ngunit sinabi ni Chief Supt. Sapitula na inatasan na niya ang kanyang mga tauhan na imbestigah­an ang anggulo ng food poisoning.

Sinabi naman ni SPO3 Marlon Maiso na walang plano na magsampa ng kaso ang mga magulang ng mga bata.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines