Balita

Polusyon, ikinamatay ng milyun-milyon sa mundo

-

LONDON (REUTERS)—Milyunmily­ong katao sa buong mundo ang namamatay sa polusyon, karamihan ay dahil sa sakit na idinudulot nito gaya ng stroke at lung cancer, ayon sa isang malaking internatio­nal study.

Halos lahat ng kamatayan na may kaugnayan sa polusyon – tinatayang nasa 92 porsiyento - ay nangyayari sa mahihirap o middle- income na mga bansa, natuklasan sa pagaaral. At sa mga bansang mabilis na nagiging industriya­lisado gaya ng India, Pakistan, China, Bangladesh, Madagascar, iniugnay ang polusyon sa isang quarter ng lahat ng mga pagkamatay.

“Pollution is much more than an environmen­tal challenge – it is a profound and pervasive threat that affects many aspects of human health and wellbeing,” sabi ni Philip Landrigan, professor sa Icahn School of Medicine sa Mount Sinai sa United States na katuwang sa pamumuno sa pag-aaral.

Natuklasan sa pag- aaral na may kaugnayan ang polusyon sa pagkamatay ng siyam na milyong katao noong 2015.

Ang maruming hangin -- dulot ng lahat ng bagay mula sa transporta­syon at industriya hanggang sa indoor fires – ang pinakamala­kingcontri­butor na iniugnay sa 6.5 milyong kamatayan, ayon dito.

Ang susunod na pinakamala­ki ay ang maruming tubig na nagkakalat ng gastrointe­stinal diseases at parasitic infections, at pumatay ng 1.8 milyong katao.

Ang pinakamala­king bilang ng mga pagkamatay na iniugnay sa polusyon sa taong iyon ay sa India na may 2.5 milyon, at China na may 1.8 milyon.

Gumamit ang ananaliksi­k, isinagawa ng halos 40 internatio­nal scientists, ng data mula sa pag-aaral ng Global Burden of Disease mula sa Institute for Health Metrics and Evaluation sa University of Washington. Inilathala ito sa The Lancet medical journal nitong Biyernes.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines