Balita

Bagong laya tiklo sa inumit na make-up

- Orly L. Barcala

Bakasyon-grande na naman sa loob ng piitan ang isang binata na isang araw pa lang nakalalaya, matapos siyang maaresto dahil sa pagnanakaw ng mga make-up sa isang drug store sa Valenzuela City, nitong Huwebes ng hapon.

Sa report ni SPO4 Armando Delima, officer-in-charge ng Station Investigat­ion Unit (SIU), kay Chief Insp. Rhoderick Juan, hepe ng Station Investigat­ion Division Management Branch (SIDMB), kasong theft ang kinakahara­p ni Elton Jan Caparas, 25, ng Santulan Road, Barangay Gen. T. De Leon.

Sa imbestigas­yon ni SPO1 Ronald Tayag, bandang 4:00 ng hapon nang pumasok sa drug store sa Karuhatan Road sa Bgy. Karuhatan ang suspek at nagkunwari­ng customer.

Dinampot umano ni Caparas ang limang branded na make-up at pasimpleng ibinulsa, pero nakita siya ng security guard na si Frederick Manlapaz, 37 anyos.

Palabas na si Caparas nang habulin at kapkapan siya ni Manlapaz hanggang sa makuha umano sa kanyang bulsa ang mga make-up.

Sa Police Community Precinct (PCP)-9, hinanapan ng ID ang suspek pero release order mula sa Marilao Municipal Jail ang ipinakita nito.

Nabatid na tatlong taong nakulong sa Marilao si Caparas dahil din sa pagnanakaw.

“Nahuli na namin siya noon dito sa Valenzuela, sa pagnanakaw ng cellphone. Kaya lang na-dismiss (ang kaso) kasi umatras ‘yung complainan­t,” ani SPO1 Tayag.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines