Balita

Beauty, pupuntahan si Ellen kung ikakasal na kay Lloydie

- Ni REGGEE BONOAN

WALANG maisagot ang best friend ni Ellen Adarna na si Beauty Gonzales kung totoong buntis ang una courtesy of John Lloyd Cruz na magkasaman­g nagbabakas­yon ngayon sa Europe.

Base lang daw sa Instagram post ni Ellen nakikibali­ta ang isa sa lead stars ng Pusong Ligaw.

“Nakikita naman natin sa Instagram nilang dalawa na masaya sila and I am very happy for both of them,” say ni Beauty sa panayam ng ABS-CBN News. They are really taking care of each other, so parang nakita na nila ‘yung match nila sa isa’t isa.”

Sabi pa ni Beauty, pupuntahan niya si Ellen kung totoo mang magpapakas­al na ito.

“Kahit saan pang parte ng mundo pupuntahan ko iyan. Siyempre ninang ( at ninong) silang dalawa ng anak ko na si Olivia and Ellen is my best friend, because of Ellen kaya kami nagkakilal­a ng asawa ko. So kahit saan pa iyan pupuntahan ko siya,” diin ni Beauty.

Sa inulit na tanong kung totoong buntis nga si Ellen, “Ang sama naman kung iti- text ko siya ng ‘ uy, buntis ka pala?’ Out of nowhere. Hindi ko nga alam na may tsismis pala na ganu’n. ‘ Tsaka matanda na sila, kaya na nila ‘ yun kung ‘yun ang gusto nila gawin.”

Samantala, inakala ng viewers na magtatapos na ang Pusong Ligaw ( napapanood sa hapon pagkatapos ng It’s Showtime) dahil nabaril na ni Jaime ( Raymund

Bagatsing) sina Caloy ( Joem Bascon) at Tess/Teri (Beauty) nang sundan sila habang sakay ng yate para tumakas.

Ang tanong, kung bakit kinailanga­ng barilin o gustong patayin ni Raymund ang asawa (Beauty) kung talagang mahal niya. Hindi naman na magiging sagabal si Joem dahil may asawa na ito, si Marga ( Bianca King).

At kailan kaya malalaman ni Tessa na ang tunay niyang anak ay si Potpot ( Diego Loyzaga) at hindi si Leon ( Albie Casiño)?

 ??  ?? Beauty
Beauty

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines