Balita

Yves, Elmo, at Miles sasabak sa ‘MMK’

-

WALANG

pasanin sa buhay na hindi kakayanin kung sama- sama ang pamilya.

Ito ang patutunaya­n ng magkapatid na Nonoy, Baning, at Bernadeth na gagampanan nina Yves Flores, Miles

Ocampo, at Elmo Magalona. Mapapanood sina Elmo at Miles na simula pagkabata ay pasan-pasan sa likod ang kanilang kuya na may polio sa isa na namang nakakaanti­g na kuwento ng Maalaala Mo Kaya ngayong gabi.

Noon pa man ay hindi na nahirapan si Nonoy ( Yves) na tanggapin ang kalagayan dahil sa kanyang masayahin at mapagmahal na pamilya. Sandigan niya ang mga kapatid na sina Baning (Elmo) at Bernadeth (Miles Ocampo) na walang sawa siyang pinagtutul­ungang buhatin patungo sa eskuwelaha­n upang sabaysabay silang magtapos ng pag-aaral.

Nagsimula lamang gumulo ang buhay nila nang biglang lumayo ang loob ni Bernadette sa dalawa. Pinili nitong sumama sa bagong kaibigan at iniwan kay Baning ang responsibi­lidad sa pagtulong kay Nonoy. Hindi naman pinabayaan si Nonoy ng kapatid na lalaki kundi tinulungan pa siyang makamit ang kanyang pangarap na kumanta sa eskuwela.

Naging maayos pa rin ang samahan ng magkuya hanggang sa sila ay tumungtong ng kolehiyo. Gusto kasing kumuha ng Business Administra­tion ni Nonoy samantalan­g Criminolog­y naman ang gusto ni Baning. Ano kaya ang patutunguh­an ng magkapatid? Simula na kaya ito ng kanilang paghihiwal­ay?

Makakasama nina Yves, Miles at Elmo sa upcoming episode sina Smokey Manaloto, Arlene Muhlach, Pinky Marquez, Crispin Pineda, Josh de Guzman, JB Agustin, at Faye Alhambra mula sa panulat ni Benson Logronioo at sa direksiyon ni Dado Lumibao.

 ??  ?? Miles, Yves at Elmo
Miles, Yves at Elmo

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines