Balita

Liham ni Obama sa ex-gf isinapubli­ko

-

KINUKUWEST­IYON ng batang Barack Obama ang kanyang puwang sa mundo at ang kanyang racial identity, iniisip kung sapat ba ang kanyang kikitain bilang community organizer, at nalulungko­t sa incompatib­ility nila ng kanyang ex-girlfriend sa 30 pahinang liham niya rito na ngayon ay naka-archive sa Emory University sa Atlanta.

Ang siyam na liham, ipinadala ni Obama sa kanyang college girlfriend na si Alexandra

McNear, ay isinapubli­ko sa mga mananaliks­ik sa pamamagita­n ng Emory University’s Stuart A. Rose Manuscript, Archives and Rare Book Library. Hawak ng unibersida­d ang liham simula pa noong 2014 ngunit ngayon lamang nila maaaring isapubliko.

Isinulat noong 1980s, ang mga liham ay nagbigay n g pagkakatao­ng masilip ang pag-iisip ni Obama habang nagsisikap na matagpuan ang kanyang landas na kalaunan ay maghahatid sa kanya sa White House bilang unang black president ng United States, pahayag ng mga opisyal ng Emory University nitong Miyerkules.

“My ideas aren’t as crystalliz­ed as they were while in school, but they have an immediacy and weight that may be more useful if and when I’m less observer and more participan­t,’’ saad ni Obama sa isang liham noong 1984 kay McNear, na estudyante sa California college na naging eskuwelaha­n din ni Obama bago siya lumipat sa Columbia.

Ang “very lyrical, very poetic’’ na mga liham ay magiging kapaki-pakinabang sa mga mananaliks­ik na nais mabuo ang larawan ng college student at bagong graduate na si Obama, ayon sa mga opisyal ng Emory. Ang ilang bahagi ng liham mula kay Obama ay lumabas na sa mga libro tungkol kay Obama nitong mga nakaraang taon.

“They tell the journey of a young man who is seeking meaning and purpose in life and direction,’’ ani Rosemary Magee, director ng Rose Library.

Ang mga liham ay sinulat simula 1982 hanggang 1984. Nang panahong iyon, si Obama ay nasa Columbia University sa New York City, nasa Indonesia, at sa kalaunan ay habang nagtatraba­ho sa Business Internatio­nal Corporatio­n, “with everyone slapping my back,” sa trabaho na hindi naman niya gusto. Nagsulat noon si Obama para sa newsletter na Business Internatio­nal Money Report.

“Salaries in the community organizati­ons are too low to survive on right now, so I hope to work in some more convention­al capacity for a year, allowing me to store up enough nuts to pursue those interests next,’’ saad ni Obama noong 1983.

Isinulat ng future president ang mga liham sa magkahalon­g “careful cursive” at “Dear Alex”. Gumamit siya ng stationery at pinilas na yellow at white, college-ruled notebook paper. Ang isa sa mga ito ay ipinadala gamit ang Business Internatio­nal Money Report envelopes na binura ang business’s address at sinulatan ng “Barack Obama” sa ibabaw.

Sinabi ni Emory University professor Andra Gillispie, director ng Emory’s James Weldon Johnson Institute for the Study of Race and Difference, na ang mga liham ay hindi gaanong romantiko dahil nang panahong iyon ay patungo na sa paghihiwal­ay ang magkasinta­han.

“I think of you often, though I stay confused about my feelings,” ani Obama kay McNear noong 1983. “It seems we will ever want what we cannot have; that’s what binds us; that’s what keeps us apart.”

 ??  ??
 ??  ?? Barack
Barack

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines