Balita

No more cycling when I’m touring –Ed Sheeran

- Cover Media

IGAGARAHE na ni Ed Sheeran ang kanyang bisikleta matapos matumba at mabali ang kanyang galang-galangan at siko.

Nagpapagam­ot din ang Shape of You singer ng kanyang tadyang na humampas nand matumba habang nagbibisik­leta pababa sa burol patungo sa paborito niyang pub sa kanilang bayan sa Suffolk.

Pero ngayon ay nais na niyang igarahe ang kanyang bike dahil ayaw na niyang dumami pa ang makakansel­ang tour dates.

Sa pre- taped interview para sa Jonathan Ross Show ngayong Sabado sa U.K., sinabi niya na, “I don’t think I’m going to cycle for a while. I’ve got quite a big tour next year.”

Kinansela ni Ed ang lahat ng kanyang concerts hanggang sa Nobyembre 7, habang napapagali­ng sa mga tinamong pinsala, at inamin na ang wish niya, sana ay hindi siya lampa.

“It’s ( clumsiness) come more since I’ve found success,” aniya kay Ross. “I remember before a show in 2013 I had to have 12 stitches in my hand because I was playing drums with two beer bottles at about four o’clock in the morning and smashed my hand. But I did a show after that and, it wasn’t fine, but I did a show. “Then I put my foot in a boiling geyser in Iceland, I had my face cut open, I’m a very clumsy person.” Naaalala niya ang bawat sandali ng kanyang huling pagbagsak sa bike, idinagdag na, “I went home, went to sleep and then woke up at five o’clock in the morning in a lot of pain. And then went to the hospital.” Sinabi ni Ed na marahil ay pinamanhid ng ininom niyang real ale sa pub ang kirot. “I was with a few people,” pagbabalik- tanaw niya. “They didn’t even see the fall, they were really far in front of me. It wasn’t my bike and it was brand new brakes. I was borrowing the bike.” Nababahala siya dahil hindi pa siya nakapagkan­sela ng show na siya mismo ang dahilan. “Sometimes a show has been cancelled because a promoter has done something but it’s the first time that I’ve ever actually cancelled a show,” aniya sa talk show host.

 ??  ?? Ed
Ed

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines