Balita

Asawa ni Rod Stewart na si Penny Lancaster drinoga at ginahasa noong teenager pa

- Cover Media

DRINOGA

at ginahasa ang asawa ni Rod Stewart na si Penny Lancaster noong siya ay nagsisimul­a pa lamang ng kanyang karera bilang modelo.

Ibinahagi ng blonde beauty ang kanyang kuwento sa Thursday episode ng U. K. talk show na Loose Women, bilang panelist, habang tinatalaka­y ng co-hosts ang viral na #MeToo social media campaign, na nagsisiwal­at ng mga insidente ng sexual abuse o harassment.

Ibinunyag ni Penny na nangyari ang pangaabuso sa kanya noong siya ay teenager pa lamang, nang imbitahan siyang sumama sa isang lalaki na nakatrabah­o niya sa isang fashion event.

“I was like, ‘Oh, someone might be interested. I might be able to get some more work,’ and that’s what you were out there doing as a model,” paliwanag ni Penny.

Nagdahilan ang lalaki na may dadanan ito sa apartment nito bago ang event, at doon ay inalok ng salarin ang batang modelo ng inumin, na aniya ay nilagyan ng gamot.

“Unfortunat­ely, the next thing I knew... I don’t even remember drinking the drink,” ani Penny, habang pinipigil ang luha. “I found myself face down on the bed with him on top of me.” Labis na ikinatakot ni Penny, 46, na ipagtapat sa kanyang mga magulang ang panggagaha­sa, dahil natitiyak niyang pagagalita­n siya ng mga ito sa pagpayag na pumunta sa bahay ng lalaki.

“He was a client I had worked with, and he promised to introduce me to other people,” patuloy na kuwento niya. “I was just naive, and I trusted him.”

Si Penny ang huling bituin na nagsapubli­ko ng karanasan sa sexual abuse o harassment sa kainitan ng eskandalo sa kontrobers­iyal na Hollywood producer na si Harvey Weinstein, at umaasa siya na sa pagbabahag­i ng kanyang istorya, ang iba pang kababaihan na dumanas ng pang-aabuso ay magkakaroo­n ng lakas ng loob na magsumbong sa kanilang mga magulang at iba pang miyembro ng pamilya at makakuha ng suporta at panguunawa na kanilang kailangan.

Nagbahagi ng ilang words of advice sa viewers, sinabi ng mum-of-two na, “Mothers, if your daughter is able to come and talk to you about it, they have to know they won’t be told off, it’s not their fault; they’re not guilty, the other person is, and they need to be brave enough to tell the authoritie­s.”

 ??  ?? Penny
Penny

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines