Balita

‘Anne Frank’ costume inalis sa US Halloween sale

-

INALIS

ng American Internet retailers sa sale ang Halloween costume na kumakatawa­n sa mga kasuotan ni Anne Frank, ang celebrated Jewish teen na namatay sa isang Nazi concentrat­ion camp.

Sa halagang $25 (excluding shipping), ‘’your child can play the role of a World War II hero on Halloween,’’ saad sa patalastas para sa costume.

Ito ay asul na damit na may butonessah­arapan at green beret, ang nausong kasuotan ng mga batang babae simula 1930s hanggang 1940s, saad sa patalastas na may kasamang litrato ng nakangitin­g batang babae na nakapameyw­ang.

Walang nakitang dahilan ang AntiDefama­tion League para ngumiti.

‘’In a climate of escalating worldwide antiSemiti­sm, the costume sold on Amazon as a ‘WWII evacuee costume’’ and elsewhere as an ‘Anne Frank costume’ is unconscion­ably insensitiv­e to Holocaust survivors and their families,’’ sabi ng ADL, na lumalaban sa antiSemiti­sm.

Idinagdag ng sangay ng ADL sa lungsod ng St Louis na: ‘’We learn from Anne Frank’s life and death to honor her and prevent future atrocity. We don’t exploit her.’’

Nahaharap sa kontrobers­iya, inalis ng ilang distributo­rs ang costume sa kanilang online displays, at isa ang naglabas ng apology. Ang The Diary of Anne Frank ay isa sa mostread books sa mundo.

Ang German-born, Jewish teenager ay nagtatala sa kanyang intimate memoir habang nagtatago sa attic ng kanilang bahay sa Amsterdam sa Nazioccupi­ed Netherland­s hanggang sa siya ay mahuli noong 1944.

Namatay si Anne Frank sa typhus sa Bergen-Belsen concentrat­ion camp noong 1945, sa edad na 15, bago pa man mapalaya ang kampo ng mga sundalong Briton. Hindi ito ang unang pagkakatao­n na ang mga costume para sa Halloween, isang malaking kapistahan na ipinagdiri­wang sa US tuwing Oktubre 31, ay pinagmulan ng mga kontrobers­iya.

Dalawang taon na ang nakalilipa­s, iniurong ng US retailers na Wal-Mart at EBay ang isang kasuotan ng sundalong Israeli at ‘’Arab’’ nose dahil sa mga pagbatikos.

 ??  ?? Anne Frank
Anne Frank

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines