Balita

Ika-54 na labas

- R.V. VILLANUEVA

NAGPASYANG

umalis na ang apat na lalaking nagtatago sa silong ni Mang Edgarado upang makinig sa usapan ng kainumang si Mang Daniel. Sa pagbalik sa kanilang sasakyan ay pinagmasda­n ni Sendong ang magarang sasakyan ni Mang Daniel at mukhang may balak na masamang gawin dito.

“Anong balak mong gawin at pinagmamas­dan mo ang mga gulong ng sasakyan?” Tanong ni Harry.

“Gusto ko sanang platin, boss,” sagot ni Sendong. “Dahil tiyak na tiyak, mabubuwisi­t nang husto ang bisita ni Mang Edgardo dahil walang talyer dito sa barangay na maghahangi­n.”

“Hindi okey ang naglalaro sa isip mo, Sendong,” wika ni Harry.

“Bakit naman, bossing?” Tanong ni Sendong.

“Bakit?” Ulit ni Harry sa sinabi ng kasama. “Hindi mo ba alam na malaking perwisyo ang gagawin mo sa bisita ni Mang Edgardo.”

“Okey lang ‘yun,” sagot ni Sendong. “Hindi niya malalaman na tayo ang may kagagawan sa pagkawala ng hangin sa gulong ng kaniyang sasakyan.”

“Hindi ‘yung perwisyong sinasabi mo ang tinutukoy ko, Sendong,” wika ni Harry. “Ang tinutukoy ko, ang epekto ng gagawin mo, dahil tiyak na papasok sa isip ng bisita ni Mang Edgardo na may sumalbahe sa gulong ng kaniyang sasakyan.”

“Tama si boss,” sagot ni Rading. “Dahil tiyak, iisipin din ni Mang Edgardo pati ng bisita niyang may taong pumunta dito at nakinig sa kanilang pinag-usapan.”

Muli, ipinagpatu­loy ng grupo ni Harry ang paglalakad pabalik sa sasakyan nilang nakaparada sa gilid ng barangay road hindi kalayuan sa bahay ni Mang Edgardo. Bagamat gustong-gustong gawin ni Sendong ang kalokohang pumitik sa utak sa mga gulong ng sasakyan ni Mang Daniel na nakaparada, napilitan siyang sumunod sa mga kasama.

Ang isa pang dahilan kaya mabilis na napasunod si Sendong sa tatlong kasama, nakadama siya ng takot sa kuwentong naririnig sa barangay na maraming gumagalang nilikha mula sa daigdig ng kababalagh­an pagsapit ng dilim.

Malayo pa ang grupo ni Harry sa kanilang sasakyan, nakita na nila ang paulit-ulit na pagkaway ng kasama nilang si Rolan na pinabibili­s ang kanilang paglapit. Dahil sa hinalang may masamang nangyari sa kanilang sasakyan, mabilis na naglakad palapit sina Sendong, Dodong, Rading at Harry sa kasama nilang nasa kalsada ng barangay road.

“Bakit ba, minamadali mo kami?” Tanong ni Harry na tila naiirita sa ikinilos ng kasama.

“May mahiwaga at katakataka­ng pangyayari­ng naganap samga gulong ng ating sasakyan, boss,” sagot ni Rolan. “At aamininko, kinilabuta­n ako kaya kinawayan ko kayo nang makita kong pabalik na!”

“Anong mahiwaga at katakataka­ng pangyayari ang naganap sa mga gulong ng ating sasakyan?” Tanong ni Harry.

“May nagpapusli­t ng hangin sa pito,” sagot ni Rolan. “Kapag nandito ako, sa kabila pumupuslit, kapag pumunta ako doon, sa gulong naman dito pumupuslit ang hangin. Sa pakiramdam ko, parang may hindi nakikitang nilikhang gumagawa ng bagay na ‘yun!”

Dahil nakitang seryoso at hindi nagbibiro ang kasamang naiwan para magbantay sa kanilang sasakyan, naniwala sina Dodong, Sendong, Rading at Harry sa sinasabi ni Rolan. At tulad ng dapat asahan, parehong pangyayari ang naglaro sa isip nina Dodong, Sendong, Rading at Harry. Kagagawan ng nilikha mula sa daigdig ng kababalagh­an ang mahiwaga at katakangta­kang pangyayari­ng naganap sa mga gulong ng kanilang sasakyan. Kabilang ang orokotok, asbo, asong malindig, bonggo at tambulisli­s samga nilikhang pinaghihin­alaan nila Dodong, Sendong, Rading at Harry.

“Malamang na orokotok ang nagpapapus­lit sa gulong ng ating sasakyan,” wika ni Dodong. “May narinig akong kuwento na minsan nang gumawa ng ganitong kalokohan ang mga nilikhang ito.”

“Mali ang nilikhang pinaghihin­alaan mo, Dodong,” sagot ni Harry. “Nilikhang tambulisli­s ang nagpapusli­t sa hangin ngmga gulong ng ating sasakyan.” Itutuloy...

 ??  ??
 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines