Balita

OLFU, hataw sa Licensure Exams

-

MULA ng itatag noong 1967, patuloy ang Our Lady of Fatima University (OLFU) sa pagbibigay nang de kalidad na edukasyon na siyang pundasyon ng mga world-class graduates.

Nakatuon man sa medical at allied health studies ang eskwelahan na itinatag nina Jose Olivares at manugang na si Dr. Vicente M. Santos, kilala rin ang institusyo­n sa college program ng computer science, maritime education, education, psychology, biology, at business course.

Sa kasalukuya­n, matagumpay ang mga mag-aaral sa kanilang mga napiling propesyon at marami ang nanguna sa kani-kanilang licensure examinatio­ns.

Sa katatapos na Physical Therapist Licensure Exam nitong Agosto 2017, ipinagbuny­i ng College of Physical Therapy- Antipolo Campus (CPT Antipolo) ng OLFU ang pagtatapos ni David Angat bilang cum laude at 6th place sa PT licensure exams tangan ang rating na 85.35%. Nitong Pebrero, naitala ng OLFU ang 100% passing rate at itinanghal na Top 2 Performing school.

Naitala rin ng CPT Antipolo examiners ang kahanga-hangang passing average na 86.2%, mas mataas sa national passing average na 71.68%. Nakuha naman ng CPT Quezon City’s first-timers ang passing average na 82.35%.

Sa ginanap na Nursing Licensure Examinatio­n nitong Hunyo 2017, nakuha ng OLFU graduate na si Maria Queenie E. Laxamana ang No.6 place sa national examinatio­n na nilahukan ng 11,176 nursing graduates.

“We’re extremely proud of all of our graduates who continue to do well after college. It’s a testament to the culture of excellence we’ve built at OLFU over the last several decades,” pahayag ng OLFU management.

Gayundin, tatlong medicine graduates ng OLFU ang napabilang sa top 10 ng Physician Licensure Examinatio­ns. Ipinagmama­laki ng Fatimanian ang bagong doctor na sina Dr. Alvin Lester S. Villas, Dr. Mina Liza D. Cariño, at Dr. Aizel Jane C. Lim.

Tinanggap ni OLFU’s CPT Dean Mary Anne R. Santos, MD, FPARM, at Antipolo Campus Program Head Mike dela Paz, ang parangal na ipinagkalo­ob ng Profession­al Regulation Commission (PRC) kamakailan sa recognitio­n day sa Philippine Internatio­nal Convention Center (PICC) sa Pasay City.

“To be recognized by the PRC is an amazing achievemen­t not just for our campus, but for all of OLFU. It means we’re moving in the right direction as we strive to produce world-class profession­als. Our student’s successes are our successes as well,” pahayag ni Dr. Santos.

Ipinagbuny­i rin ng OLFU ang tagumpay ng kanilang mga graduates, sa pangunguna ni Keith Kryzzel Mopas Pelareja na No.6 (87%) sa ginanap na Licensure Exam for Teachers (L.E.T.), Elementary Level nitong Setyembre.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines