Balita

‘Unified body’ sa collegiate sports, aprubado ng PSC

-

IISANG boses mula sa 76 universiti­es, colleges, sports at athletic organizati­ons sa bansa ang narinig para sa pagkakaisa­ng magbuo ng ‘unified body’ sa collegiate sports matapos ang isinagawan­g National Consultati­ve Meeting for Collegiate Sports nitong Huwebes sa Philsports Complex sa Pasig City.

Ikinatuwa ni Philippine Sports Commission (PSC) Chairman William ‘Butch’ Ramirez ang nagkakaisa­ng diwa nang mga collegiate sports leaders sa pangangail­angan ng bansa para mas mapatatag ang grassroots sports developmen­t.

Nagtakda ng muling pagpupulon­g sa Nobyembre kung saan ilalatag ang gagamiting bylaws, guidelines at mangunguna­ng leaders sa asosasyon.

“In the meantime, the PSC shall take the initative to write each of your organizati­ons’s President to formally report on the concensus reached in this 2-day meeting,” pahayag ni Ramirez.

Iginiit ni Ramirez na malaki ang pangangail­angan para mapagisa ang mga programa sa elementary, high school at college level ng mga atleta.

“Most times, our children do not have much options after elementary or high school. They should have a clear direction on what option they have in the university level,” sambit ni Ramirez.

Napapanaho­n din aniya na bigyan ng pansin ang tertiary level na pundasyon ng bansa para makamit ang inaasahang grupo ng mga elite athletes.

Napagkasun­duan din ng mga sports leaders na maging aktibo sa pakikipag-ugnayan para sa programa ng Philippine Sports Institute (PSI) sa sports research, scientific coaching at grassroots sports.

Nagkakaisa rin sa isyu hingil sa pagbibigay ng proteksyon sa mga atleta na sinanay ng kani-kanilang eskwelahan.

“We need the safeguardi­ng of local home-grown athletes. Kung kailan sila hinog, tsaka sila kinukuha… nawawala,” pahayag ni Dems Toledo, sport director ng University of San agustin.

Matatag naman ang paninindig­an ni Manuel Paster Jr. ng Philippine Associatio­n of State Universiti­es and Colleges (PASUC).

“Kung tayo ay Pilipino, kung mahal natin ng Pilipinas, we have to move and legislate a national federation without losing other organizati­on’s identity,” aniya.

 ?? PSC PHOTO ?? PARA SA BAYAN! Nagkakaisa ang mga lider ng collegiate sports sa bansa para sa pagbuo ng National Collegiate Associatio­n matapos ang pakikipagp­ulong sa pamunuan ng Philippine Sports Commission (PSC), sa pamumuno ni Chairman William ‘Butch’ Ramirez.
PSC PHOTO PARA SA BAYAN! Nagkakaisa ang mga lider ng collegiate sports sa bansa para sa pagbuo ng National Collegiate Associatio­n matapos ang pakikipagp­ulong sa pamunuan ng Philippine Sports Commission (PSC), sa pamumuno ni Chairman William ‘Butch’ Ramirez.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines