Balita

LBC Ronda qualifying sa Danao City

-

SISIBAT ngayon ang ikalawa at huling qualifying race para sa LBC Ronda Pilipinas 2018 na nakatakda sa Marso, tampok ang 200 riders na maguunahan para sa nalalabing 38 spots sa Danao, Cebu.

Magsisimul­a ang karera sa City Hall at magtatapos sa Plaza Rizal sa Danao, Cebu.

Ang mapipiling 38 qualifiers sa isang araw na karera ay makakasama ng 20 seeded riders mula sa nakalipas na season, gayundin ang 38 na nakuha sa unang qualifying na ginanap sa Tarlac City nitong Setyembre.

Sa National Finals, naghihinta­y ang P1 milyon para sa kampeon.

Mas naging mapaghamon ang karera para sa mga nagnanais makasabit sa Finals sa paglahok nina Navy-Standard Insurance’s Jan Paul Morales, ang defending champion, gayundin ang mga dating kampeon na sina Santy Barnachea at Irish Valenzuela.

Ang 41-anyos na si Barnachea, dalawang ulit naging kampeon dito, at si Valenzuela, nagwagi sa 2013 edition, ay kapwa pasok na sa Finals at gagamitin na lamang ang karera bilang bahagi ng kanilang paghahanda.

“Our thrust is still the same, to give aspiring young riders a chance to pursue their cycling dreams,” pahayag ni LBC Ronda project director Moe Chulani.

Babagtasin ng karera na may distansiya­ng 161 kilometers ang mga bayan ng Carmen, Catmon, Borbon, Bogo, San Remigio, Tabulan pabalik sa Borbon, Catmon, Carmen hanggang Danao City.

Naghihinta­y ang P30,000 sa kampeon, habang ang segunda at tersera ay may P20,000 at P10,000,ayon sa pagkakasun­od.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines