Balita

Batang Baste, kumabig sa No.4

-

NAUPUWERSA ng San Sebastian ang three-way tie para sa nalalabing slot sa Final Four nang paluhurin ang University of Perpetual Help, 80- 60, nitong Huwebes sa pagtatapos ng NCAA Season 93 men’s basketball tournament double round eliminatio­n sa Filoil Flying V Center sa San Juan.

Bunsod ng panalo, tumabla ang Stags sa Letran Knights at Arellano Chiefs tangana ng 9-9 karta at magtutuos sa stepladder battle para sa karapatan na makuha ang No.4 slot sa Final Four.

Tangan ng Stags ang superior quotient kung kaya’t hihintayin nila ang mananalo sa Knights at Chiefs.

Ginapi ng Letran Knights ang Arellano Chiefs, 70- 68, kahapon para makuha ang karapatan na harapin ang San Sebastian Stags sa second phase ng stepladder.

Nakatakda ang second stepladder phase sa Martes.

Haharapin naman ng No. 4 team ang third seed JRU Heavy Bombers sa semifinals stepladder. Ang magwawagi ay sasabak sa No.2 at defending champion San Beda.

Awtomatiko­ng umusad sa championsh­ip round ang Lyceum of the Philippine­s matapos walisin ang double round eliminatio­n para sa 18-0 karta – kauna-unahan sa liga mula noong 2011 (San Beda) at unang Finals para sa Pirates mula ng sumali sa liga noong 2010.

Iskor:

San Sebastian (80) – Ilagan 23, Calisaan 21, Bulanadi 9, Calma 6, Costelo 6, Capobres 5, David 4, Navarro 2, Mercado 2, Gayosa 2, Baetiong 0, Valdez 0.

Perpetual (60) – Ylagan 16, Eze 12, Sadiwa 11, Coronel 10, Pido 8, Dagangon 3, Tamayo 0, Yuhico 0, Mangalino 0, Clemente 0, Casas 0. Quartersco­res: 22-14; 40-28; 58-42; 80-60.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines