Balita

Bakbakan na sa MBBLAI cagefest

-

MAGPAPAKIT­ANG - GILAS ang mga ka kabataang basketboli­sta mula sa iba’t ibang es eskwelahan, colleges at universiti­es sa Metro Manila sa anim na division sa pag-arangkada ng ngayon ng Manila Brotherhoo­d Basketball League Athletic, Inc,(MBBLAI) sa Trinity University of Asia Gym sa Quezon City.

Higit sa 4O koponan mula sa anim na age br bracket ang paparada ngayong 9 ng umaga sa makulay na pambungad na seramonya na bi bibigyang ningning ng mga sports celebritie­s ta tampok si PBA superstar Arwind Santos at mga na naggaganda­han mga muses ng bawat paaralan ku kung saan ay may laang premyo sa tatanghali­ng be best muse ng liga.

Matapos ang pambungad seremonya ay m magtutungg­ali na ang DLSU Zobel at San Beda sa 13 -under ganap na 10 ng umaga sa buwenamano­ng bakbakan, ayon kay organisado­r Erick Kirong, founding chairman ng BBL at owner ng Macway.

Susundan ito ng banggaang RP Elite at San Beda Taytay sa 13-under.Susukatin naman ng mga selection ng Chinese students na Dragons ang lakas ng San Beda Mendiola sa 17-under sa alas-12 bakbakan kasunod dito ang tunggalian sa pagitan ng San Beda Mendiola at Arandia College sa 19-under class at ang pampinalen­g bakbakan sa opening salvos ng kaganapang pinanganga­siwaan ni MBBLAI VP Ray Alao kaagapay ang mga opisyales na sina board chairman Otep Ronquillo Directors DM Bradley,Braulio Lim ,consultant /coach Mark Herrera at Omeng Divino ay ang pagtutuos ng DLSU Antipolo kontra Trinity University of Asia.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines