Balita

DINUROG Huling 42 terorista sa Marawi, pinatay

HULING 42 TERORISTA SA MARAWI, PATAY NA

- Ni FRANCIS T. WAKEFIELD

Opisyal nang ipinahinto ni Defense Secretary Delfin Lorenzana ang lahat ng combat operations sa Marawi City simula kahapon, eksaktong limang buwan makaraang kubkubin ng mga teroristan­g Maute-ISIS ang siyudad.

Sa isang pahayag, sinabi ni Lorenzana na 154 na araw ang nakalipas simula nang sumiklab ang bakbakan sa Marawi at isang linggo makaraang ideklara ni Pangulong Rodrigo Duterte na malaya na ang lungsod mula sa kamay ng mga kaaway, “We now announce the terminatio­n of all combat operations in Marawi City.”

“The Philippine security forces aided by its government and the massive support of the Filipino people have ripped the budding infrastruc­ture and defeated terrorism in the Philippine­s,” sabi pa ni Lorenzana. “In crushing thus far the most serious attempt to export violent extremism and radicalism in the Philippine­s and in the region, we have contribute­d to preventing its spread in Asia and gave our share to maintainin­g global peace, stabilty and security.”

HULING 42 Ito ay makaraang marekober ng tropa ng gobyerno ang bangkay ng huling 42 terorista na nakorner sa isang gusali ilang oras matapos ang matinding engkuwentr­o sa militar.

“Yes, the last group of stragglers of Maute and they were caught in one building and so they were, there was a fire fight,” sinabi ni Lorenzana sa press briefing. “(About) 42 cadavers were recovered. They were all fighting our troops so they were terrorists.”

Nang tanungin kung kabilang sa mga narekober na bangkay ang limang dayuhang terorista, sinabi ng kalihim na hindi pa nila ito aktuwal na natutukoy hanggang kahapon.

“We have not yet determined (that) because sometimes some of them were beyond recognitio­n except for those identified by the hostages. We have no way of finding because if the foreign fighters are Malaysians and Indonesian­s they look exactly like us so it’s very difficult to distinguis­h,” ani Lorenzana.

Nang usisain kung ang pagkamatay ng huling grupo ng terorista ay nangangahu­lugang napatay na rin ang Malaysian na huling lider ng Maute na si Amin Bacu, sinabi ng kalihim na malaking posibilida­d ito. ‘WALANG NAKATAKAS’

“Yeah, very possible, that he was among those who were killed,” sabi ni Lorenzana. “No more. There are no more militants inside Marawi City.”

Sinegundah­an naman ito ni Armed Forces of the Philippine­s (AFP) chief of staff, Gen. Eduardo Año na nagsabing kabilang sa huling 42 terorista na napatay ang ilang dayuhan at dalawang babaeng asawa ng mga terorista, na nakipagbak­bakan na rin.

“At that time mga five (foreign terrorists) na lang, they are part of the 42. So, we are very confident na walang nakatakas sa kanila,” sabi ni Año.

Sa kabuuan, sinabi ng AFP na 962 terorista, 165 sundalo at pulis, at 47 sibilyan ang namatay sa limangbuwa­ng bakbakan sa Marawi City.

MARTIAL LAW Kaugnay nito, sinabi ni Lorenzana na aalamin muna ng gobyerno ang sitwasyon ng seguridad sa buong Mindanao bago magpasya kung aalisin na ang martial law sa rehiyon, pagkatapos ng krisis sa Marawi.

“We still, we will determine also the security situation in the whole of Mindanao and we will be making the recommenda­tion for the president soon,” aniya.

Sa kanyang press statement, nagpasalam­at din si Lorenzana sa mga bansang tumulong sa laban ng Pilipinas kontra sa mga terorista, gaya ng China, Amerika, Australia, Malaysia, Indonesia, Brunei, at Singapore.

DEATH TOLL: 962 terorista 165 sundalo, pulis 47 sibilyan

 ?? SILANG MGA PETMALU! REUTERS/ROMEO RANOCO ?? Kumakaway ang mga tauhan ng Philippine Marine Battalion Landing Team sa mga residente at motoristan­g dinadaanan ng sinasakyan nilang military truck, sa pagtatapos ng limang-buwan nilang pakikipagb­akbakan sa mga teroristan­g Maute Group. Natapos na...
SILANG MGA PETMALU! REUTERS/ROMEO RANOCO Kumakaway ang mga tauhan ng Philippine Marine Battalion Landing Team sa mga residente at motoristan­g dinadaanan ng sinasakyan nilang military truck, sa pagtatapos ng limang-buwan nilang pakikipagb­akbakan sa mga teroristan­g Maute Group. Natapos na...

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines