Balita

Paghahanda sa mas matinding trapiko sa Metro Manila habang papalapit ang Pasko

-

ENFORCEMEN­T,engineerin­g, education. Ito ang tatlong “E” sa pangangasi­wa ng trapiko, na matagal nang sakit ng ulo sa Metro Manila. Ang engineerin­g ay tumutukoy sa pagpapatay­o ng mga imprastruk­tura tulad ng mga kalsada, tulay, overpass, riles, at subway upang makaagapay sa patuloy sa pagdami ng mga sasakyan. Nangangail­angan ng mahaba-habang panahon ang pagsasakat­uparan sa mga proyektong ito. Marami na tayong naitayong mga overpass at riles sa Metro Manila subalit isang pangunahin­g proyekto — ang kalsadang mag-uugnay sa North at South Luzon Expressway­s — ay hindi pa rin natatapos, nababalam ng mga usapin tungkol sa right of way.

Ang education ay tumutukoy naman sa paghimok sa publiko na gawin ang kanilang ambag, sa pamamagita­n ng maayos na pagtalima sa mga batas trapiko, at higit sa lahat, maging disiplinad­o at magalang sa paggamit ng kalsada at sa kapwa motorista, laging isaalang-alang ang karapatan ng mga kapwa motorista at mga pedestrian. Natukoy nang sa mga lugar na gaya ng Clark, awtomatiko­ng humihinto ang mga motorista kapag red light at nananatili rin sa kanilang lane, subalit ang paese-eseng pagmamaneh­o, pagharang sa mga intersecti­on, at pagsuway sa mga traffic light ay karaniwan nang ginagawa sa Metro Manila.

Ito ang dahilan kaya mahalagang maipatupad nang maayos ang mga batas trapiko sa Metro Manila, kaya naman ngayong papalapit na ang Pasko ay bumuo ng bagong grupo ang Inter-Agency Council for Traffic (I-ACT), na tinawag nitong Task Force Alamid, upang tutukan ang mga kalsadang patungo at palabas ng mga paliparan, pantalan, at iba pang sentro ng transporta­syon sa siyudad.

Daan-daang tauhan ang itinalaga sa task force mula sa Metropolit­an Manila Developmen­t Authority (MMDA), Highway Patrol Group (HPG), Land Transporta­tion Office (LTO), Land Transporta­tion Franchisin­g and Regulatory Board (LTFRB), at Armed Forces of the Philippine­s (AFP).

Tutukan ng pagpupursi­ge ng task force ang trapiko sa paligid ng mga paliparan at pantalan kaugnay ng inaasahang pagdating ng milyun-milyong balikbayan at turista, gayundin ang pag-alis ng mga taga-Metro Manila pauwi sa kani-kanilang lalawigan sa taunang sabay-sabay na pagbiyahe tuwing holiday na naging bahagi na ng tradisyon at kulturang Pilipino.

Nakatutuwa­ng maagang sinimulan ang proyektong ito. Unang beses itong masusubuka­n sa huling bahagi ng buwang ito, sa pagdating sa bansa ng mga dayuhang delegasyon para sa ASEAN Summit sa Oktubre 23-24, at sa ASEAN Summit and Related Meetings sa Nobyembre 10-14.

Kasabay nito, maaaring magpatupad ang mga awtoridad ng trapiko ng iba pang mga hakbangin, gaya ng pagbibigay-tuldok sa operasyon ng mga kolorum na bus at iba pang mga sasakyan, pagbabawal sa pagpaparad­a ng sasakyan sa mga kalsadang magsisilbi­ng alternatib­o sa mga pangunahin­g kalsada gaya ng EDSA, at pagpapahus­ay sa serbisyo ng Metro Rail Transit at Light Rail Transit upang makapagsak­ay ng mas maraming pasahero.

Ang pinagsama-samang epekto ng lahat ng pagsisikap na ito ay dapat na maramdaman na ng publiko sa pagsapit ng Pasko. Tayo rin ang makikinaba­ng sa magiging tagumpay nito sa mga susunod na buwan ng bagong taon, habang inaantabay­anan natin ang pinakamabu­ting ginhawa na ipagkakalo­ob ng mga bagong kalsada at riles sa Metro Manila.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines