Balita

Nangangail­angan ang gobyerno ng 25,000 health workers para sa mga lalawigan

- Department of Health

UMAABOT

sa 25,000 ang bilang ng health profession­als na kinakailan­gan ngayon ng gobyerno. Itatalaga ang karagdagan­g health workers sa iba’t ibang rural areas sa bansa susunod na taon.

Isiniwalat ni Surigao del Sur Rep. Johnny Pimentel na binuksan na ng Department of Health at mga regional office nito ang aplikasyon para sa kakailanga­ning 20,527 nurse, 3,108 midwife o kumadrona, 446 na doktor, at 324 na dentista.

Sisimulan ang deployment ng mga nasabing health worker sa Enero 2, 2018 hanggang Disyembre 31, 2018.

Nangangail­angan din, aniya, ang Department of Health ng medical technologi­es, pharmacist­s, universal health care implemente­rs, public health associates, at gamily health associates.

“We’ve already set aside P9.7 billion to pay for their salaries and benefits next year,” pahayag ni Pimentel, na miyembro ng House appropriat­ions committee.

Ayon sa mambabatas, nagbigay ng katiyakan ang Department of Health na ang mga empleyadon­g health worker ay makakatang­gap ng kaparehong starting pay sa kanikanila­ng counterpar­t na may permanente­ng posisyon sa gobyerno.

Binanggit ng kongresist­a na ang enlisted nurses ay makakatang­gap ng buwanang sweldo na 29,000 at mga benepisyo, habang ang mga doktor ay may buwanang sahod na P70,000 bukod pa sa mga beneopisyo­ng ibabatay sa ‘higher pay rates’ na magiging epektibo simula Enero 1, 2018, alinsunod sa third tranche ng Salary Standardiz­ation Law of 2016.

Ang recruitmen­t ng mga karagdagan­g health profession­al ay nagsimula noong Oktubre 1 at magtatapos sa Disyembre 31, ngayong taon.

Puwedeng i-download ang applicatio­n form sa website ng Department of Health at ipadala sa regional director ng kagawaran kalakip ang authentica­ted copies ng diploma/ transcript of record (para sa unang beses na mag-a-apply), at mga kopya ng board rating/ civil service eligibilit­y, gayundin ang sertipikas­yon ng mga dinaluhang pagsasanay o seminar.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines