Balita

Hindi dapat na maging mapanisi

- Clemen Bautista

ISAsa malapit na kaibigan ng ating Pangulong Rodrigo Duterte na tagaDavao at nasasabing sanggang-dikit at tagapagtag­uyod ng mga layunin ng Pangulo na maibigay ang matapat at maayos na paglilingk­od sa sambayanan­g Pilipino ay si House Speaker Pantaleon Alvarez. May mga pagkakatao­n din na ang ilan sa katangian at asal ng Pangulo ay napapansin ng marami nating kababayan na pinaparisa­n ng Speaker. Ang pagiging matapang, madaling mainis at mayamot, at may pagkaaroga­nte kapag may hindi nagustuhan sa ginawa ng kanyang mga kasamahan sa Kongreso.

Isang lantay na halimbawa ay ang ginawa ni Speaker Alvarez kay dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo, na ngayon ay representa­tive ng Pampanga. Tinanggal niya sa pagka-deputy speaker ang dating Pangulo sapagkat kumontra ito sa pagbabalik ng death penalty.

Sa pagpapatal­sik kay dating Pangulo at Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo, marami ang naawa at marami rin ang nainis sa inasal ng Speaker. May nagsabi na hindi na nito iginalang ang kalayaan at karapatan ng dating Pangulo sa pagtutol sa death penalty. Bukod sa nabanggit, binalewala ni Speaker Alvarez na siya’y naging Cabinet member ng dating Pangulong Arroyo.

Sa kaugaliang Pilipino, likas at katutubo ang pagkakaroo­n ng ugali na marunong tumanaw ng utang na loob sa mga taong nakatulong sa kahit anong paraan. Hindi nalilimuta­n gawin, maliban na lamang kung ang kahihiyan ng isang natulungan ay napunta sa talampakan at binalewala ang nagawang pagtulong. At talagang makapal ang mukha at ingrato, sabi nga sa Kastila.

Kumbaga sa paglalakad, sumubsob ang public satisfacti­on rating at net trust rating ni Pangulong Rodrigo Duterte, sa survey ng Social Weather Station (SWS). Mula sa pagiging “very good” na 66 plus noong Hunyo ang net satisfacti­on rating, bumaba o naging “good’ na lamang sa markang 48 plus. Nabawasan ng 18 puntos.

Kumbaga sa pag-aaral ng isang estudyante noong ang inyong lingkod ay nagtuturo pa sa De La Salle Greenhills sa Mandaluyon­g City, kapag bumaba o sumubsob ang grade o marka ng tinuturuan kong mga estudyante, iisa ang nasasabi ko sa kanila at sa mga magulang kapag bigayan ng report card: Study more o mag-aral pang mabuti upang tumaas ang marka. ‘May talino po ang inyong anak’, nasasabi ko sa mga magulang. ‘Ang kailangan po lamang ay dagdagan ang sipag at tutok sa pag-aaral’. Mangangako naman ang mga estudyante ko sa kanilang magulang, kaharap ang inyong lingkod. ‘Mommy, promise, I will study more talaga. Pagbubutih­in ko na ang aking pag-aaral’.

Sa pagsubsob ng satisfacti­on at trust ratings ng Pangulo, may sinisi si Speaker Alvarez. Nagpakita ng kakitiran ng isip na ‘tila hindi makapaniwa­la sa survey. Binira niya ang mga obispo ng Simbahang Katoliko na pumupuna sa Pangulong Duterte dahil sa madugong giyera kontra droga. Banat ni Speaker Alvarez, “The Church should clean up its ranks of pedophile first.” Tinukoy niya ang Catholic Bishops Conference of the Philippine­s (CBCP), na isa sa mga pinagmumul­an ng “ingay” na maaaring nagpasubso­b sa satisfacti­on at trust ratings ng Pangulo, batay sa huling SWS survey.

Ayon pa kay Speaker Alvarez, “They should fix their priests first. They have many scandals. There are many pedophiles among them. They should fix their ranks first. Why don’t they scold...

their own priests?”

Ang banat ni Speaker Alvarez ay sinagot ng mga opisyal ng Simbahan na hindi niya dapat sisihin ang Simbahang Katoliko sa pagsubsob ng rating ng Pangulong Duterte. Ang pagsisi sa Simbahan ay isang paraan upang ilihis ang pansin ng publiko sa walang tigil na pagpatay sa giyera kontra droga. Ayon kay Caloocan Bishop Pablo Virgilio David, ang pagsubsob ng rating ay hindi dahil sa mga lider ng Simbahan kundi sa extrajudic­ial killings.

Marami na ang nagsabi na hindi dapat na maging mapanisi si Speaker Alvarez, na ang mga obispo ng Simbahan ang binabanata­n niya at binabagsak­an ng sisi. Ang magandang magagawa niya ay tanggapin ang katotohana­n, kahit pa ang Pangulo ay ibinoto ng may 16 na milyong Pilipino, na dahil sa nangyayari­ng mga pagpatay sa giyera kontra droga ay hindi na intact ang nasabing bilang ng mga bumoto, sapagkat nakararami pa rin sa mga Pilipino ang marunong magpahalag­a sa buhay ng tao. Naniniwala­ng Diyos lamang ang may karapatang bumawi ng buhay ng tao.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines