Balita

Bert de Guzman Biyahe sa US ni Trillanes

-

PARANGkina­kabahan ang Malacañang sa pagpunta ni Sen. Antonio Trillanes IV sa United States at pakikipag-usap kay US Sen. Marco Rubio tungkol umano sa mga isyu ng kurapsiyon at human rights situation sa Pilipinas bunsod ng madugong giyera sa droga ni President Rodrigo Roa Duterte (PRRD).

Mismong ang tagapagsal­ita ng ating Pangulo, si Ernesto Abella, ang nagsabi: “Umaasa kami na ang ibinibigay niya (Trillanes) ay tamang impormasyo­n at hindi biased informatio­n na ang layunin ay makasira sa US-Philippine relations.”

Marahil ay batid ni Mano Digong na epektibo sa propaganda si Trillanes. Hindi ba sa usapin tungkol sa bank accounts ng Pangulo ay harapang naghamon ang senador na lumagda sa isang waiver upang patunayan na walang milyun-milyon o bilyong pisong deposito sa mga banko si PRRD? Si Trillanes ay lumagda naman sa isang waiver na nagpapahin­tulot sa Ombudsman at sa iba pang awtoridad na suriin ang kanyang bank transactio­ns at deposits.

Sa pagdinig sa Senado noon, hinamon din ni Trillanes si Davao City Vice Mayor Paolo Duterte na patingnan ang likod nito na may tattoo ng Chinese triad, patunay na ang anak ni PRRD ay miyembro ng sindikato na nagpapasok ng puslit na shabu sa Bureau of Customs (BoC). Tumanggi si VM Duterte na ipakita ang kanyang likod. Bahala na ang taumbayan kung sino ang paniniwala­an sa bank accounts ni Pres. Rody at sa pagiging kasapi ni Pulong sa Chinese triad.

May mga report na nagtungo si Trillanes sa Amerika para kumbinsihi­n si US Pres. Donald Trump at iba pang mga opisyal na huwag dumalo sa Associatio­n of Southeast Asian Nations (ASEAN) Leaders’ Summit na gaganapin sa Maynila sa susunod na buwan. Kinumpirma ni Sen. Rubio na nagkausap nga sila ni Trillanes. Kinumpirma naman ng White House noong nakaraang buwan na nakatakdan­g bumisita sa Pilipinas si Trump upang dumalo sa ASEAN Summit.

Patay na ang tatlong kilabot na liderteror­ista ng Maute-ISIS-ASG. Sila ay sina Isnilon Hapilon, Omar Khayam Maute at ang Malaysian na si Dr. Mahmud Ahmad, ang financier umano ng teroristan­g grupo. Idineklara ni PDu30 na “liberated” na ang Marawi City, na durog na durog sa limang buwang bakbakan ng mga sundalo at terorista, na tinampukan ng halos araw-araw na pambobomba ng Air Force, sa utos ng Pangulo at ng pamunuan ng AFP.

May kumukulo raw na gulo sa loob...

ng ruling PDP-Laban, ang partido ng Pangulo at ni Senate Pres. Koko Pimentel. Sa balita noong Biyernes “Trouble in ruling party: Mindanao bloc bolts PDP-Laban”, isinasaad na mahigit sa 200 miyembro ng Partido Demokratik­o Pilipino-Laban (PDP-Laban) mula sa Mindanao ang lumayas (defected) sa ruling party.

Ang tinatawag na Mindanao bloc ay nagisyu ng isang resolusyon na nagdedekla­ra sa grupo bilang “independen­t” mula sa PDPLaban national council, na pinamumunu­an nina Sen. Koko at Speaker Pantaleon Alvarez. Gayunman, sinabi ni Cesar Cuntapay, isa sa regional head ng partido sa Mindanao at pangulo ng Mindanao Area Council, na patuloy ang suporta nila kay PRRD bilang chairman ng PDP-Laban.

Ibig bang sabihin nito ay suya at dismayado na sila sa liderato nina Koko at Bebot?

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines