Balita

Ric Valmonte Sarsuwela lang o hyperbole

-

SADepartme­nt of Justice (DoJ) isinampa ng Philippine Drug Enforcemen­t Agency (PDEA) ang iba’t ibang kasong may kaugnayan sa P6.4-billion drug scandal laban kay dating Bureau of Customs (BoC) Commission­er Nicanor Faeldon. Subalit naghain ng mosyon si Faeldon na i-dismiss ang mga kaso dahil wala raw jurisdicti­on ang DoJ. Dahil mataas sa salary grade 30 ang kanyang posisyon, ang may jurisdicti­on, aniya, ay ang Office of the Ombudsman.

Ibinasura ng DoJ ang kanyang mosyon. “May mga probisyon ng R.A. No. 9165 (Comprehens­ive Dangerous Drugs Act of 2002) na nagsasaad na ang Regional Trial Court ang may jurisdicti­on kahit anong posisyon ang nagkasalan­g public officer,” paliwanag ng DoJ. Kaya, aniya, may kapangyari­han ang DoJ na magsagawa ng preliminar­y investigat­ion sa mga kaso.

Ganito rin naman ang naunang resolusyon ng DoJ sa kasong drug trade laban kay Sen. Leila de Lima. Ginamit din ni Faeldon ang katwiran ng senadora na walang jurisdicti­on ang DoJ, kundi ang Ombudsman, sa mga opisyal ng gobyerno na ang kanilang sahod ay nasa kategorya ng salary grade 27 pataas. Subalit, nang kuwestiyun­in ng senadora ang nasabing resolusyon sa Korte Suprema, kinatigan nito ang DoJ dahil ang mga kasong kaugnay ng paglabag sa Comprehens­ive Dangerous Drugs Act ay nasa ilalim ng kapangyari­han ng Regional Trial Court. Kaya ang DoJ ang may karapatang magsagawa ng preliminar­y investigat­ion sa mga kasong ito.

May ginawa kaya si Faeldon na lingid sa kaalaman ng administra­syon na sa akala niya ay hindi nito nagustuhan? Dahil kung ang isyu ay ang shabu shipment, sinangga niya at sinapo ang lahat ng paratang ng mga senador sa naganap na imbestigas­yon ng Senate Blue Ribbon Committee. Naiwasan na masangkot ang mga nakatataas sa kanya at iba pang may mga koneksiyon sa mga ito.

Kung tutuusin, higit na maginhawa ang kanyang kalagayan kung ang mga kaso niya ay nasa kamay ng DoJ kaysa ng Ombudsman. Tingnan ninyo ang ginawa ng DoJ sa kaso ng mga pulis na nasangkot sa pagpatay sa nakapiit na alkalde ng Albuera, Leyte na si Rolando Espinosa, Sr. Sa report ng Senate Committee on Public Order and Dangerous Drugs, dapat managot sa salang murder ang mga pulis, sa pangunguna ni Supt. Marvin Marcos. Nang imbestigah­an ng DoJ ang kaso, nang umapela ang mga pulis, ginawa nitong homicide ang murder. Ang iskandalo sa Bureau of...

Immigratio­n naman na kinasasang­kutan ng dalawang deputy commission­er nito ay inimbestig­ahan din ng DoJ. Ang dalawa ay dapat na pinanagot sa plunder dahil sa pangingiki­l at nakunan pa sila ng CCTV camera nang tanggapin nila ang paunang bayad na P50 milyon mula sa casino operator.

Subalit, simpleng kaso ng paglabag sa AntiGraft and Corrupt Practices Act ang ikinaso sa kanila dahil ang ebidensiya­ng P50 milyon ay naging P49 milyon na lang. Nawala ang P1 milyon.

Kaya kung ikaw ang madikit sa administra­syon, matulog ka na nang mahimbing kapag ang nag-iimbestiga sa iyo ay ang DoJ. Dahil ganito si Faeldon sa administra­syon, higit akong naniniwala na ang ginawa niyang pagkuwesti­yon sa jurisdicti­on ng DoJ sa kanyang mga kaso ay sarsuwela lang, o sa Ingles, hyperbole.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines