Balita

Bangungot ng martial law

- Celo Lagmay

SAkabila ng matitindin­g kahilingan na may kaakibat na paninikluh­od ng ilang sektor ng sambayanan na alisin na ang martial law sa Mindanao, hindi ako makapaniwa­la na si Pangulong Duterte ay luluhod, wika nga, sa naturang mga pakiusap. Hanggang ngayon, lalong lumalakas ang aking kutob na ang batas militar ay mananatili sa nasabing lugar na pinamumuga­ran pa ng mga bandidong walang patumangga sa paghahasik ng sindak at panganib sa mga komunidad—mga terorista na hindi malayong kaalyado ng mga napaslang na lider na sina Isnilon Hapilon at Omar Maute.

Totoong idineklara na ng Pangulo ang kalayaan ng Marawi City, ang naging eksena ng malagim na bakbakan ng mga terorista at ng ating mga sundalo, pulis at iba pang alagad ng batas. At sinimulan na ang malawakang rehabilita­syon ng naturang siyudad na talaga namang nawasak at nagmistula­ng no man’s island sapagkat hanggang ngayon ay nananatili pa sa evacuation centers ang ating mga kapatid na Muslim.

Gayunman, laging alanganin ang reaksiyon ng matataas na opisyal ng militar kapag may nagtatanon­g kung kailan aalisin ang martial law sa Mindanao. Maging si Defense Secretary Delfin Lorenzana, ang administra­dor ng martial law sa naturang lugar, ay hindi pa nagpapadal­a ng rekomendas­yon sa Pangulo hinggil sa nabanggit na isyu. Maliwanag na kinikilati­s pa nilang mabuti ang situwasyon upang matiyak ang kaligtasan ng sambayanan laban sa mga terorista na sinusuport­ahan ng mga dayuhang lakas, tulad ng Islamic State of Iraq and Syria (ISIS).

Sa bahaging ito, naniniwala ako na may kaugnayan sa mga planong paghahasik ng gulo, hindi lamang sa Mindanao kundi maging sa buong kapuluan, ang pagkakaare­sto kamakailan sa Taguig City sa maybahay ng isang lider ng mga terorista. Sinabi na ito ay nangangala­p ng mga naghahanga­d na maging miyembro ng Maute Group. Ibig sabihin, nagkaroon ng spill- over o humugos sa Metro Manila ang mga...

terorista na maaaring nakatakas sa Marawi City.

Isa pa, at ito ay nakababaha­la, tiniyak ng ating mga awtoridad na tinutugis nila ang tatlong anak ni Hapilon na hindi malayong humalili sa kanilang ama sa paghahasik ng terorismo. May mga ulat na posibleng sumapi sa naturang grupo ang ilang Abu Sayyaf at iba pang bandido na tulad ng New People’s Army (NPA) at Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF).

Ang hinihinala­ng panggugulo ng nabanggit na terror groups ang natitiyak kong dahilan ng pananatili ng martial law sa Mindanao. Hindi kaya ang nakakikila­bot na bangungot ng batas militar ay gumapang din sa iba pang panig ng kapuluan? Umuugong ang pahayag ng Pangulo: hindi aalisin ang martial law hanggang hindi nalilipol ang pinakahuli­ng terorista.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines