Balita

Ruru at Gabbi, sa iba na nali-link

- Ni NITZ MIRALLES

NI-LIKE ni Gabbi Garcia ang news item na ipinagpali­t daw siya ni Ruru Madrid sa beauty queen na si Cynthia

Thomalla, ang 2017 Miss Eco Philippine­s.

Hindi natin alam kung ang ibig bang sabihin ng pag-like na ‘yun ni Gabbi ay naniniwala siya sa balita. Sabagay, she can ask Ruru naman anytime na gusto niyang malaman ang totoo.

Ang ibang GabRu fans, nagagalit kay Cynthia na wala naman siyempreng kasalanan kung niyaya man siya ng date ni Ruru dahil hindi ba’t wala namang inamin sina Ruru at Gabbi na magkarelas­yon sila?

Katunayan, nali-link din naman si Gabbi kay Khalil Ramos. Umingay ang pagkaka-link ng dalawa simula nang maging direktor si Khalil ng music video ni Gabbi sa single niyang All I

Need na compositio­n at self-produced mismo ng huli.

Ang pagkakaala­m namin, twice nang nakita sa labas sina Ruru at Cynthia, hindi pa kasama roon ang times na nag-date sila na hindi natin alam. Nang unang lumabas ang dalawa, nanood daw ng sine at nitong huli, nakita silang magkasama sa birthday party ni Andrew de Real.

Naalala namin, nang ma-interview si Cynthia nang pumirma ng movie contract sa Regal Entertainm­ent, wala raw siyang boyfriend at wala pa siyang planong magka-boyfriend. Dahil siguro nasa “dating stage” pa lang sila ni Ruru.

Anyway, nabasa namin ang reaction ng isang GabRu fans sa isyu nina Ruru at Cynthia na nagsabing susuportah­an pa rin sina Ruru at Gabbi, pero babawiin daw nila si Ruru kay Cynthia. Ipinaratin­g din nila kay Cynthia na hindi sila bashers kundi pinuprotek­tahan lang ang GabRu fandom.

Samantala, kahapon ini- release ng GMA Records ang single ni Gabbi na ‘pag siguro maganda ang resulta, magiging album. Wala pang balita kung kailan ang airing ng music video na most probably, sa MYX.

Si Ruru naman ay tuloy pa rin ang labas sa Alyas Robin Hood bilang si Yoyo Boy. Tuwang-tuwa tiyak ito dahil nasunod ang kagustuhan­g magkaroon ng mga eksena kasama ang bigtime crush niyang si Solenn Heussaff.

 ?? Ruru ??
Ruru
 ?? Gabbi ??
Gabbi

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines