Balita

TAMBULISLI­S

Ika-57 labas

- R.V. VILLANUEVA

HABANGnagp­asyang maglakad pauwi ng apat na tauhan ni Don Andres, inip na inip naman ang amo sa kaiintay sa mga ito at hula niya, nagkaroon ng aberya ang ipinag-utos niya sa mga ito.

“Mabuti pa tawagan ko sila para malaman ko kung ano ang aberyang nangyari sa pagpunta nila sa bahay ni Edgardo,” wika ni Don Andres na dinampot ang cellphone na nasa mesa.

Dahil kabisadong-kabisadong gamitin ni Don Andres Hamoria ang gamit, saglit lang nag-ingay ang communicat­ion gadget na nasa bulsa ng pantalon ni Harry. Mabilis niyang dinukot ang cellphone at sinagot ang dumating na tawag na alam niyang mula sa Don dahil nainip sa hindi nila agad pagbalik sa kabayanan. Tama si Harry, si Don Andres ang tumawag at tinatanong kung bakit natagalan ang kanilang pagbabalik. Dahil nakita ni Rolan sa side mirror ng sasakyan ang ginagawa ng lider ng grupo nila, itinigil ang sasakyang minamaneho tuloy sa pagbagtas sa barangay road ng Bayan-bayan. Ginawa niya ang hakbang para bigyan ng pagkakatao­ng mag-usap si Harry at si Don Andres na alam niyang tumawag dahil natagalan ang pagbabalik nila sa kabayanan.

“Nasaan na kayo?” Tanong ni Don Andres.

“Dito pa rin ho sa nasasakupa­n ng barangay Bayan-bayan,” sagot ni Harry. “Pasensya na ho kung hindi agad kami nakabalik!”

“Ano bang nangyari?” Tanong uli ni Don Andres.

“Humina ho ang hangin ng mga gulong ng aming sasakyan, sabi ni Rolan, may hindi nakikitang nilikhang nagpapusli­t ng hangin sa mga gulong,” paliwanag ni Harry.

“Anong kalokohan ang pinagsasab­i mo?” Tanong ni Don Andres.

“Ganoon daw po talaga ang nangyari, Don Andres,” sagot ni Harry. “Talaga raw hong may hindi siya nakikitang nilikhang nagpapulis­t ng hangin sa pito ng mga sasakyan!”

“Kalokohan,” sagot ni Don Andres. “Baka nasabit kayo sa inuman at gawagawa lamang ninyo ang dahilang ‘yan!”

Hindi na sumagot o nagbigay ng komento si Harry sa sinabi ni Don Andres ngunit hindi niya pinatay ang cellphone, pinanatili lang nakadikit sa teynga. Ngunit hindi na niya narinig na muling nagsalita ang kausap na tiyak niyang hindi lang nairita sa paliwanag niya kung hindi napikon. Natiyak ni Harry ang ganitong reaksyon ni Don Andres dahil tuwing may magkukuwen­to o matatalaka­y sa pakikipagu­usap ang mga nilikha mula sa daigdig ng kababalagh­an sa mga barangay sa kanilang lalawigan, nagpapahay­ag ng hindi paniniwala. Sa halip, sinasabing malaking kalokohan ang mga nilikhang pinagkukuw­entuhan dahil hindi totoo ang asong malindig, orokotok, asbo, bonggo, tambulisli­s at iba pang nilikha mula sa daigdig ng kababalagh­an. Bigla, sa kung anong dahilan, itinigil ni Rolan ang sasakyang minamaneho ng makarating sa sementadon­g kalsadang bahagi ng provincial road ng lalawigan.

“Bakit mo itinigil?” Tanong ni Harry. “Sakay na kayo,” sagot ni Rolan. “Hindi ka nagbibiro?” tanong uli ni Harry.

“Hindi, boss,” sagot ni Rolan. “Puwede na kayong sumakay dahil sementado na ang kalsadang babagtasin natin, hindi baku-bako tulad ng barangay road ng Bayan-bayan!”

Dahil nakumbinsi sa sinabi ng drayber sa sasakyang pag-aari ni Don Andres Hamoria na ipinagamit sa kanila, agad sumakay sina Harry, Sendong, Rading at Dodong. Matapos makasakay ang apat na kasama, mabilis na kumilos ang paa at kamay ni Rolan para muling patakbuhin ang sasakyan. At hindi na tulad ng dati ang pagmamaneh­o niya, higit na mas mabilis sa takbo sa barangay road dahil sementado na ang kalsada. Sa nangyari, labis na nasiyahan si Harry dahil makakarati­ng agad sila sa mansyon ni Don Andres na nakatirik sa bayan na nakakasako­p sa barangay Bayanbayan.

Makaraan lang ang ilang minuto, pumapasok na sila sa kabayanan, lumiko sa isang kalsada, binagtas ang kahabaan at tumigil sa harap ng malaki at marangyang bahay na bato. Dahil nakita ni Rolan na nakahungko ang bantay ni Don Andres sa malaking gate na bakal, sunod-sunod na diniinan ang busina para makalikha ng sunod-sunod na malakas na ingay. Itutuloy...

 ??  ??
 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines