Balita

Commission­er Lim bilang acting Comelec chief

- Mary Ann Santiago at Genalyn Kabiling

Si Commission­er Christian Robert Lim ang acting Chairman ngayon ng Commission on Elections (Comelec), kapalit ng nagbitiw na si Chairman Andres Bautista.

Sa isinagawan­g regular En Banc session kahapon, nagkaisa ang mga komisyuner ng poll body na hirangin si Lim upang pansamanta­lang mamuno sa kanila habang wala pang naitatalag­ang bagong chairman si Pangulong Duterte upang humalili kay Bautista.

“Commission­er Christian Robert Lim designated acting Chairman, by unanimous vote of Commission­ers present at today’s @ COMELEC En Banc,” pagkumpirm­a kahapon ni Comelec Spokesman James Jimenez.

Ayon kay Jimenez, maaaring magluklok ang Pangulo ng ad interim chairman ng Comelec dahil naka-recess ngayon ang Kongreso, ngunit kailangan pa ring dumaan ang ad interim appointmen­t sa makapangya­rihang Commission on Appointmen­t (CA).

Matatandaa­ng Lunes ng gabi nang kinumpirma ni Bautista sa media na tinanggap na ni Pangulong Duterte ang kanyang pagbibitiw sa puwesto “effective immediatel­y”.

Kasabay nito, kinumpirma ng Malacañang na wala pang napipisil ang Pangulo para maging kapalit ni Bautista.

“The Palace has accepted the resignatio­n of Commission on Elections Chairman Andres Bautista effective immediatel­y,” sinabi kahapon ni Presidenti­al Spokesman Ernesto Abella sa press briefing sa Palasyo. “As an independen­t commission, the Comelec will resolve among its remaining Commission­ers as to who will be its Office-in-Charge until such time the President appoints the new Chair.”

Una nang inihayag ni Bautista ang pagbibitiw niya sa puwesto sa Disyembre 31, 2017 sa harap ng mga alegasyon ng asawa niyang si Patricia na nagkamal umano siya ng nakaw na yaman sa panahon ng paglilingk­od sa pamahalaan.

Sa araw na naghayag siya ng resignatio­n ay in-impeach siya ng Kamara.

Kasunod naman ng agarang pagbibitiw ni Bautista sa tungkulin at kinansela na ng Kamara ang planong impeachmen­t laban sa kanya sa pagiging “moot and academic”.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines