Balita

Mga nakatrabah­o ni Cardinal Vidal may kani-kaniyang papel sa libing

- Kier Edison C. Belleza

CEBU CITY – Tinukoy na ng Committee on Liturgy (COL) ng Cebu Archdioces­e ang mga personalid­ad at religious organizati­ons na magkakaroo­n ng espesyal na partisipas­yon sa burial rites ni Cebu Archbishop Emeritus Ricardo Cardinal Vidal bukas ng umaga.

Ang mga taong ito, lahad ng komite, ay gumanap ng importante­ng papel para sa cardinal habang nagseserbi­syo sa Archbishop ng Cebu sa loob ng 29 taon.

Si Cebu Archbishop Jose Palma ang mangunguna sa funeral mass sa ganap na 9:00 ng umaga, habang si Cebu Auxiliary Bishop Dennis Villarojo, na nagsilbing secretary ni Vidal, ang magsasalay­say ng homiliya.

Sa simula ng misa, apat na pari, na “monsignori­zed” sa loob ng pagiging Cardinal ni Vidal, ang maglalagay ng puting tela na tinatawag na pall sa kabaong ng Archbishop. Sila ay sina Monsignors Vicente Tupas, Guillermo Gorre, Arthur Navales at Alfredo Romanillos.

Ipinapaala­la ng puting mortcloth ang pagkakaisa sa pamamagita­n ng pananalig sa pagkabuhay muli at sumisimbol­o sa pagpapaton­g ng puting robe ni Kristo sa pagbibinya­g — ang pagsisimul­a ng buhay Kristiyano — dahil ang katawan ng isang taong tapat na naglingkod sa Panginoon sa kanyang buhay ay papasok sa Simbahan sa huling pagkakatao­n.

“It is connected with the Sacrament of Baptism that we are clothed by the armor of the Lord as we go to heaven,” lahad ni Fr. Mhar Balili, na naging secretary rin ni Vidal.

Inilahad ni COL Chairperso­n Fr. Glenn Guanzon na ang kabaong ng yumaong cardinal ay hindi ilalagay sa bier. Sa halip, ito ay ilalagay sa lupa.

“That symbolizes abasement and humility,” ani Guanzon.

Ang kabaong ay ilalagay sa nakaangat na carroza pagkatapos ng misa dahil ilalabas ito para sa maikling prusisyon sa paligid ng simbahan.

Ilalagak ang labi ni Vidal bukas ng umaga, Oktubre 26, sa musoleo na katabi ng sacristy ng cathedral. Ang istruktura­ng ito ang nagsisilbi­ng lugar ng pahingahan para sa mga obispo at paring Cebuano.

Hanggang nitong Lunes, aabot sa 24 na obispo ang nagkumpirm­ang bibiyahe sila patungong Cebu upang dumalo sa araw ng libing.

Gaya ng ipinangako, idineklara ni Pangulong Duterte na holiday ang Oktubre 26 sa Cebu bilang pagbibigay­pugay kay Vidal.

Oktubre 18 nang dumanas ng septic shock si Vidal, isang linggo matapos siyang ma-confine sa Perpetual Succour Hospital at makalipas ang ilang taong pakikipagl­aban sa pneumonia.

 ?? JUAN CARLO DE VELA ?? HULING PAGSISILBI Nagsimula na ang mga tauhan sa Cebu City na maglagay ng mga poster sa ruta ng prusisyon malapit sa Cebu Metropolit­an Cathedral para sa libing ni Cebu Archbishop Emeritus Ricardo Cardinal Vidal bukas. Libu-libong Cebuano ang inaasahang...
JUAN CARLO DE VELA HULING PAGSISILBI Nagsimula na ang mga tauhan sa Cebu City na maglagay ng mga poster sa ruta ng prusisyon malapit sa Cebu Metropolit­an Cathedral para sa libing ni Cebu Archbishop Emeritus Ricardo Cardinal Vidal bukas. Libu-libong Cebuano ang inaasahang...

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines