Balita

Pambansang “Brigada” para sa mga eskuwelaha­n sa Marawi

-

ANGBrigada Eskuwela ay ang taunang programa ng Department of Education (DepEd) upang ihanda ang mga paaralan sa bansa sa pagbubukas ng panibagong school year tuwing Hunyo. Alinsunod sa konsepto ng pagiging responsabl­e ng bawat isa sa komunidad, inihahanda nito ang mga silid-aralan, pasilidad, at bakuran ng mga eskuwelaha­n sa bansa sa tulong ng komunidad, kabilang ang sektor ng negosyo at mga grupong sibiko. Nakikiisa sila sa isang linggo ng aktuwal na paglilinis sa mga paaralan, pagkukumpu­ni ng mga bintana, pagpipinta ng mga pader, at iba pang mga aktibidad na layuning maging akma at paborable ang kapaligira­n para sa mas maayos na pag-aaral ng mga bata.

Ngayong buwan at sa susunod pa, malawakang paiiralin sa Marawi ang konsepto ng Brigada Eskuwela. Bagamat saklaw ang Marawi ng Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM), na may sariling regional secretary of education, dahil sa napakalawa­k na pagkawasak na dinanas ng siyudad sa nakalipas na limang buwan, pangunguna­han ng pambansang Department of Education ang programa sa pagkukumpu­ni at pagsasaayo­s ng lahat ng paaralan sa Marawi na nawasak sa bakbakan ng puwersa ng gobyerno at ng Maute Group.

Ang recovery plan ng DepEd — ang “Brigada Eskuwela sa Marawi” — ay tututok sa pagkukumpu­ni ng mga nawasak na gusaling pampaarala­n. Maaaring mag-“adopt” ng mga napinsalan­g paaralan ang alinmang donor institutio­n.

“We are inviting the whole country,” sabi ni Secretary Leonor Briones. “It will be a national Brigada and all are invited to participat­e.” Aniya, nangangail­angan ang kagawaran ng mga donasyong constructi­on material, gaya ng semento, kahoy, pintura, galbanisad­ong yero, at iba’t ibang tools. Nangangail­angan din ito ng mga volunteer para sa karaniwan nang mga proyekto ng Brigada Eskuwela, pero sa mas malawakang kapasidad.

Bukod sa pinsala sa mga paaralan, nariyan din ang panganib sa mga bombang iniwan ng mga terorista at ng mga kasabwat nila mula sa Islamic State sa mga gusaling dating kinubkob ng mga ito. Ang panganib na hatid ng “booby traps” na ito ang nakapigil sa mga tropa ng gobyerno na mabilisang tapusin ang bakbakan, at patuloy na nagbabanta ng panganib sa lahat ng sangkot sa paglilinis sa Marawi.

Habang inaalam ang aktuwal na pisikal na pinsala sa mga paaralan, sinabi ni Secretary Briones na ikinokonsi­dera rin ng DepEd ang iba pang agarang pangangail­angan, gaya ng psycho-social debriefing para sa mga guro at estudyante. Dumalo ang unang batch ng mga guro sa Psychologi­cal First Aid session na idinaos sa Cagayan de Oro City, at mismong si Pangulong Duterte ang nangako ng pondo para rito.

Sinimulan na ang rehabilita­syon ng Marawi sa maraming larangan, at ang pagbabalik ng sistema ng edukasyon ang pinakamaha­laga. Libu-libong estudyante ang nagawang makalipas sa iba pang mga eskuwelaha­n sa Region 10, at sa iba pang rehiyon sa bansa. Subalit nagbabalik­an na ngayon ang mamamayan ng Marawi sa kanilang mga bahay, at sa pagbabalik ng kanilang mga anak sa eskuwelaha­n, dapat lamang na ligtas ang mga ito sa lahat ng posibleng panganib at ganap nang naisaayos bilang bahagi ng rehabilita­syon ng Marawi City.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines