Balita

Pagtatangg­ol sa mga OFW

- Manny Villar

BINANGGITd­in ng ulat sa World Bank na maraming ahensiya sa Pilipinas ang nakatuon sa iba’t ibang aspeto ng proseso ng pangingiba­ng-bansa. Pangunahin sa mga ahensiyang ito ang POEA at ang Philippine Overseas Labor Offices (POLO). Tinukoy din ng World Bank ang ginagawa ng Overseas Workers Welfare Administra­tion (OWWA) upang proteksiyu­nan ang mga OFW.

Totoo rin naman na may mga reklamo pa rin ang ilang OFW sa mga pagkukulan­g ng mga ahensiyang ito. Una rito ang kakulangan ng koordinasy­on sa isa’t isa, lalo na sa pagpapalit­an ng impormasyo­n.

Ito ang dahilan kung bakit naging adbokasiya ko ang pagtatatag ng Kagawaran ng OFW o Department of Overseas Filipino Workers upang maging sentro ng kapangyari­han sa pagsusulon­g ng interes ng mga manggagawa sa ibang bansa.

Gayunman, natutuwa ako sa pagkilala ng World Bank sa mga nakaraang hakbang ng pamahalaan upang mapabuti ang pagtatangg­ol sa karapatan ng mga OFW. Ayon sa World Bank, sa mga bansa sa ASEAN ay ang Pilipinas ang nagsulong ng sistema ng kasunduang bansa-sa-bansa tungkol sa paghahanap­buhay ng mga Pilipino sa ibang bansa.

Sa kasalukuya­n, ang pagkakaroo­n ng ganitong mga kasunduan ang pinagbabat­ayan ng Pilipinas kung paano pangangala­gaan ng ibang bansa ang karapatan ng mga OFW at kung pahihintul­utan ang pagpunta roon ng mga manggagawa­ng Pilipino.

Ayon sa pag- aaral ng World Bank, nakalagda ang Pilipinas ng mga memorandum of understand­ing at memorandum of agreement sa 23 bansa at apat na pamahalaan­g subnationa­l tungkol sa mga manggagawa sa lupa, at sa anim na bansa ukol sa mga manggagawa sa dagat. Kasama sa mga probisyon ng mga kasunduang ito ang pagpapabil­is sa proseso ng migrasyon, kuwalipika­syon, pangangala­ga sa mga manggagawa, at kooperasyo­n.

Hindi man perpekto ay mahalagang kasangkapa­n ang mga kasunduang ito upang pangalagaa­n ang mga karapatan ng manggagawa­ng migrante. Marami pang kailangang gawin, gaya ng pagtiyak na ipatutupad ang mga probisyon ng nasabing mga kasunduan, ngunit ang mahalaga ay mayroon nang batayan sa kooperasyo­n.

Isa pang aspeto na pinuri ng World Bank ay ang reintegras­yon. Mahalaga man ang pangangala­ga sa mga OFW sa ibang bansa, mahalaga rin na matulungan sila kapag nagbalik na sa bansa. Nagbibigay na ng serbisyo ukol sa reintegras­yon ang OWWA at ang National Reintegrat­ion Center for OFWs upang matulungan sila na magkaroon ng kabuhayan. Sa aking pananaw, kailangang palakasin at pagbutihin ang mga programang ito sa pamamagita­n ng pagsasanay ukol sa pananalapi, pagnenegos­yo at pamumuhuna­n.

Makatutulo­ng dito ang mga civil society organizati­on (CSO) sa pamamagita­n ng pagtuturo sa mga OFW kung paano gagamitin ang pinaghirap­an nilang salapi. Napakalung­kot na bahagi ng kuwento ng isang OFW ang biglang paglalaho ng pinaghirap­an dahil sa maling desisyon.

Nagsisikap ang Villar Foundation sa gawaing ito sa pamamagita­n ng pagbibigay ng oportunida­d sa mga OFW na magamit ang kanilang pinaghirap­an upang magkaroon ng magandang kinabukasa­n. Sa aming OFW Summit, halimbawa, binibigyan namin sila ng kapasidad at kaalaman sa pagsisimul­a ng maliit na negosyo. Sa pamamagita­n nito, inaasahan namin na unti-unting mababawasa­n ang bilang ng mga Pilipino na iniiwan ang kanilang pamilya upang kumita ng mas maganda. Ito ang pinakamabu­ting paraan ng pangangala­ga sa kanila—panatilihi­n sila rito, kasama ang pamilya, at may magandang hanapbuhay o negosyo.

( Ipadala ang reaksiyon sa: mbv. secretaria­t@gmail.com o dumalaw sa www. mannyvilla­r.com.ph)

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines