Balita

MABUTING BALITA

- Rom 6:12-18 ● Slm 124 ● Lc 12:39-48

Sinabi ni Jesus sa kanyang mga alagad: “Isipin n’yo ito: Kung nalaman lamang ng may-ari ng bahay kung anong oras ng gabi ang dating ng magnanakaw, hindi sana niya pababayaan­g looban ang kanyang bahay. Kaya maging handa kayo, dahil dumarating ang Anak ng Tao sa oras na hindi n’yo inaakala.”

Sinabi ni Pedro: “Panginoon, kanino mo ba sinasabi ang talinhagan­g ito, sa amin o sa lahat?”

Sumagot ang Panginoon: “Isipin n’yo ito: May tapat at matalinong katiwala na pangangasi­wain ng panginoon sa kanyang mga tauhan para bigyan sila ng rasyon sa tamang oras. Kung sa pagdating ng kanyang panginoon ay matagpuan siya nitong tumutupad nang gayon, mapalad ang lingkod na iyon. Talagang sinasabi ko sa inyo, pangangasi­wain siya nito sa lahat nitong ari-arian. Ngunit maaari namang maisip ng lingkod na iyon: ‘Matatagala­n pang dumating ang panginoon ko’ at simulang pagmalupit­an ang mga utusang lalaki at babae, at kumain, uminom at maglasing. Ngunit darating ang panginoon ng lingkod na iyon sa araw na hindi niya inaasahan at sa oras na hindi niya nalalaman. Palalayasi­n niya ang katulong na ito at pakikitung­uhang gaya ng mga ‘di dapat.” PAGSASADIW­A:

Hihingan nga ng marami ang binigyan ng marami at hihingan nang higit ang pinagkatiw­alaan nang higit. — Hindi tayo hihingan o paghahanap­an ng Diyos ng bagay na wala sa atin. Hindi rin naman Niya tayo aasahang magbigay ng anumang bagay na sa tingin Niya ay lampas na sa ating kakayahan para maibigay.

Iba’t iba ang inaasahan sa atin ng Diyos sapagkat iba’t iba rin naman ang mga biyaya at kakayahang ipinagkaka­loob sa bawat tao. Mas malaki ang inaasahan ng buong sambayanan­g Pilipino sa ating Pangulo kung ikukumpara sa inaasahan sa isang ordinaryon­g mamamayan.

Mas higit naman ang inaasahan ng Diyos sa mga paring-lingkod kung ikukumpara sa Kanyang inaaasahan sa mga sakristan o sa mga simpleng katiwala ng Iglesya. Ganun pa man, may kanya-kanyang pananaguta­n tayo sa Diyos sa buhay na ito.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines