Balita

Dingdong at Marian, pamilya ang priority kahit laging busy

- Ni NORA CALDERON

TULADng pangako ni Dingdong Dantes sa kanyang mag-inang sina

Marian Rivera at Zia, nagkaroon sila ng masaya at relaxing weekend sa The Farm, San Benito, Lipa, Batangas – at ipinost ito. Ang caption niya sa post, “A much needed weekend getaway with my girls.“

May post din siya ng mala-beauty queen pose ni Zia na tinawag niyang ‘Our Little Miss Philippine­s.’

Kahit gaano pa ka-busy si Dingdong sa trabaho, hindi niya kinalilimu­tang maglaan ng oras para sa kanyang mag-ina. Natatandaa­n namin na baby pa lamang si Zia, dinala na nilang mag-asawa ito sa The Farm at ngayong malapit nang mag-two years old, sa November 23, ay ibinalik ito roon.

Alam daw niyang kailangan din iyon ni Marian na very busy na rin sa Super Ma’am at siya naman sa kanyang Alyas

Robin Hood 2 na lalong tumitindi na ang action scenes na ginagawa nila.

“Pero ang isang dapat ninyong abangan sa aming action serye ay kung paano makukuha ni Pepe ang kanyang inang si Judy ( Jaclyn Jose) na ngayon ay ipinakilal­a ni Emilio ( Edu

Manzano) bilang si Victorina Deogracia y Villadolid,” sabi ni Dingdong. “Alam na kaya ni Emilio na bumalik na ang alaala ni Judy at pinipigila­n lamang ang sarili para hindi mabuko ang kanyang balak din na paghihigan­ti sa kinikilala ng marami na asawa niya?”

May requests ang netizens na sumusubayb­ay sa Super Ma’am at sa

Alyas Robin Hood 2 kung puwedeng magcrossov­er ang kani-kaniyang character sa kanilang action-drama series. Mukhang binibigyan ito ng konsideras­yon ng kani-kanilang writers at mga director nilang sina Dominic Zapata at LA Madridejos. Napapanood ang Super Ma’am pagkatapos ng 24 Oras at kasunod naman ang Alyas Robin Hood 2.

 ?? Zia, Marian at Dingdong ??
Zia, Marian at Dingdong

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines