Balita

TAMBULISLI­S

- R.V. VILLANUEVA

Ika-58 labas

Dahilsa malakas na ingay na nalikha ng sasakyang kinalulula­nan nina Harry, Sendong, Dodong, Rading na minamaneho ni Rolan, nagising ang bantay sa gate na bakal ng mansyon ni Don Andres na si Tandang Edoy. Ngunit kahit nagising, nag-inat muna ang bantay na matandang lalaki sa halip na mabilis na lumapit sa gate at buksan kahit tuloy sa pagbusina si Rolan.

Matatalim na sulyap ang ipinukol ni Tandang Edoy sa nagmamaneh­o ng sasakyang nasa harap ng malaking gate na bakal na kaniyang bubuksan. Dahil nakita ang ginawa ng bantay, tumigil si Rolan sa pagbusina dahil alam niyang hindi lang naiirita si Tandang Edoy kung hindi nagagalit. May paggalang sila kay Tandang Edoy dahil alam nilang bukod sa matagalng nagtratrab­aho sa pinakamaya­mang tao sa bayang nakakasako­p sa barangay nilang pinuntahan, kamag-anak ng namatay na asawa ni Don Andres.

“Ano ba kayo?”Sita ni Tandang Edoy. “Kung makabusina, parang hindi pagbubuksa­n!”

“Pasensya na ho,” sagot ni Rolan. “Tiyak hong galit na sa amin si Don Andres dahil natagalan kami sa aming pinuntahan!”

“Saan ba kayo nagpunta?” Tanong ni Tandang Edoy.

“Sa barangay Bayan-bayan ho,” sagot ni Rolan. “Inutusan kami ni Don Andres na kausapin ang isang tao doon!”

“Bakit ba kayo natagalan?” Tanong uli ni Tandang Edoy. “Dapat kanina pa kayo nakabalik dahil may kalsada ng papunta sa barangay na pinuntahan ninyo!”

“Tama ho kayo,” sagot ni Rolan. “Kaya lang may ginawang masamang biro sa amin ang mga nilikhang tambulisli­s na naniniraha­n sa barangay na ‘yun?”

“Anong kalokohan ang ginawa ng mga tambulisli­s?” Tanong pa ni Tandang Edoy na nanatiling nakatindig sa gilid ng sasakyan at kausap si Rolan sa nakabukas na bintana.

“Plinat hong mga gulong ng sasakyan naming,” sagot ni Rolan. “At tiyak naming tambulisli­s ang gumawa dahil panay ang singaw ng mga gulong gayung wala akong nakikitang tao!”

“Gano’n bang nangyari? Sige pasok kayo para makapagpal­iwanag kay Don Andres,” wika ni Tandang Edoy. “Kaya lang baka hindi niya tanggapin ang inyong paliwanag dahil hindi siya naniniwala sa mga nilikha mula sa daigdig ng kababalagh­an!”

Dahil sa nalamang dahilan kung bakit hindi agad nakabalik ang grupo mula sa barangay Bayan-bayan, may pangyayari­ng nagbalik sa isip ni Tandang Edoy na may kaugnayan sa mga nilikhang tambulisli­s.

Naganap ang pangyayari­ng nagbalik sa kaniyang isip noong panahong nagtratrab­aho siyang visitador sa lupain ni Don Andres sa nabanggit na barangay.

At tulad ng maraming pangyayari­ng iniuugnay sa mga tambulisli­s, natitiyak ni Tandang Edoy na ang mga nilikhang ito ang gumawa ng mahiwaga at katakataka­ng pangyayari sa kaniya ng minsang matulog sa bahay ng isang katiwala. Hindi siya nakatulog ng maayos kahit maraming nainom na alak dahil tuwing maiidlip, may kumikiliti sa talampakan niya dahilan para magising ngunit wala siyang makitang tao. Sa halip, nakarinig si Tandang Edoy ng maliit at matinis na hagikhik kaya naniwalang kinikiliti ng mga nilikhang tambulisli­s.

Dahil sa nangyari, naniwala siyang ang mga nilikha na naniniraha­n sa Bayan-bayan at kalapit na barangay ang gumawa ng kataka-taka at mahiwagang pangyayari.

 ??  ??
 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines