Balita

Sinikatan na ang Phoenix

-

PHOENIX, Arizona (AP) — Nagliwanag na angng kapaligira­n nang magningnin­g ang Suns, isang araw matapos sibakin si coach Earl Watson at magpahayag nang trade ang leading point guard na si Eric Bledsoe.

Hataw si Devin Booker sa naiskor na 22 puntos, tos, tampok ang dalawang free throw may 9.8 segundo sa laro para sandigan ang Phoenix Suns sa makapigil-hiningang ang 117-115 panalo kontra Sacramento Kings nitong Lunesunes (Martes sa Manila).

Ginabayan ang Suns ni interim coach Jay Triano matapos magdesisyo­n ang Suns mananegeme­nt na putulin ang ugnayan kay Watson matapos ang tatlong sunod na kabiguan ng g Phoenix ngayong season.

Nakamit ng Kings ang ikatlong kabiguan sa apat at na laro. Nanguna sa koponan si Garrett Temple na may 23 puntos, habang tumipa si rookie De’Aaron Fox ng 19.

WARRIORS 133, Mavs 103

Sa Dallas, nabitiwan ng Golden State Warriors ang double digit na bentahe, ngunit nagpakakat­ag ang defending g champion at nanatiling kumpiyansa tungo sa paggapi sa Maverics. s.

Hataw si Stephen Curry sa naiskor na 29 puntos, , kumana si Kevin Durant ng 25 puntos at kumubra si Klay Thompson n ng 21 puntos para sa balanseng atake – ngunit, ang matindi, hindi napikon pikon ang Warriors sa pagkakatao­ng ito.

Naghabol ang Mavs mula sa 18 puntos na pagkakabao­n at nakadikit sa isang puntos na abante bunsod nang matikas na scoring run at ilang kwestunyab­leng tawag laban sa Golden State. Taliwas sa laro kontra sa Memphis may dalawang gabi na ang nakalilipa­s, napanatili ng Warriors ang pagtitimpi at muling rumatsada sa final period para makamit ang ikalawang panalo sa apat na laro.

Nanguna si Wesley Matthews sa Mavs sa naiskor na 19 puntos, habang nag-ambag si Harrison Barnes ng 13 puntos.

SIXERS 97, PISTONS 86

Sa Detroit, Michigan, naitala ni dating rookie top pick Australian-born Ben Simmons ang career triple-double sa ikaapat na laro sa NBA, habang kumasa si Joel Embiid ng 30 puntos sa panalo ng Philadelph­ia 76ers kontra Detroit Pistons.

Ratsada si Simmons ng 21 puntos, 12 rebounds at 10 assists para patunayan na karapat-dapat siyang abangan sa liga. Kinuha ng Sixers si Simmons bilang No.1 pick sa 2016 drafting, ngunit hindi ito nakalaro sa buopng season bunsod ng injury sa paa.

Nanguna si Andre Drummond sa Pistons sa naiskor na 14 puntos at 14 rebounds.

Sa iba pang laro, naitala ng Washington Wizards ang ikatlong sunod na panalo nang gapiin ang Denver Nuggets, 109-104; sinalanta ang Milwaukee Bucks, sa pangunguna ni Giannis Antetokoun­mpo na kumana ng 32 puntos at 14 rebounds, ang Charlotte Hornets, 103-94; naungusan ng Memphis Grizzlies ang Houston Rockets, 98-90; dinomina ng San Antonio Spurs ang Toronto Raptors, 101-97; tinusta ng Miami Heat ang Atlant Hawks, 104-9.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines