Balita

Magbayad o mag-load gamit ang GCash

-

WALANG panahon para magbayad ng bills o bumili ng load sa inyong mobile phone? Wala nang aalalahani­n ngayon.

Sa ilulunsad na bagong GCash App, wala nang agam-agam pa ang mga millennial at maging sa pamimili ng kagamitan. Ang GCash ay mobile wallet service para sa mga tagapagtan­gkilik ng Globe para magamit sa pambayad ng bills, magpadala ng pera sa kaanak o bumili ng load. Sa bagong App, mas pinalawak ang serbisyo ng GCash sa pamamagita­n lamang ng scanning sa QR code gamit ang inyong mobile phone.

“We want to give the people a different kind of experience where all they will be needing is their phone to pay for their daily expenses. With scan to pay, there will soon be a time when GCash can already be used to pay your neighborho­od sari-sari store or even the balut or ice cream vendor just by scanning the QR code sticker of the vendor. It has been done in other places and we’re also doing it here,” pahayag ni Anthony Thomas, President and CEO ng Mynt, tagapangas­iwa ng GCash.

Ang naturang pamamaraan sa GCash ay magagamit na sa Mercato Centrale, Kabisera, at Ibiza sa Bonifacio Global City, Taguig. Inaaayos na ang kasunduan para sa iba pang pamilihan, gayundin sa malls, fastfood joints, pharmacies, at mag sinehan.

Para maranasan ang ‘cashless lifestyle’ sa pamamagita­n ng scan to pay system, magdownloa­d sa GCash App sa inyong Android at iOS devices. Magtungo sa Globe Stores o GCash Partner Outlets tulad ng SM Business Centers, Puregold, Cebuana Lhuillier, at 7-Eleven. Hanapin ang QR code nang mga nais na pamilihan at gamitin ang GCash App para ma-scan ang code at magbayad. Pinataas ng GCash ang aspeto ng pagkakaroo­n ng ‘cashless lifestyle.’

Kaya para sa magaan na pamumuhay at walang alalahanin, i-GCash mo na yan!

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines