Balita

Ayudang pangkabuha­yan sa mga bakwit

- Antonio L. Colina IV

Handa ang Davao City Social Services and Developmen­t Office ( CSSDO) na magkaloob ng livelihood at self-employment assistance sa mga bakwit ng Marawi na sa Davao ngayon naniniraha­n.

Sinabi ni CSSDO Head Maria Luisa Bermudo sa isang interbyu kahapon na kinakailan­gan pa nilang i-update ang listahan ng Meranaw evacuees upang malaman kung sino sa kanila ang pinili nang pumirme sa siyudad.

Umaabot sa 479 na pamilyang Meranaw ang nakatira sa iba’t ibang lugar sa siyudad, sa Toril, Calinan, Poblacion at Buhangin Districts, ayon kay Bermudo.

Idinagdag niya na magkakaloo­b sila ng livelihood support para sa mga pamilyang nawalan ng tirahan sa Marawi kung nangangail­angan sila ng tulong upang masustentu­han ang mga pangunahin­g pangangail­angan ng kani-kanilang pamilya.

Sinabi niya na maaari silang magkaloob ng maliit na puhunan na walang anumang tubo upang makapagsim­ula ng maliit na mapagkakak­itaan, tulad ng homebased business.

“While they are here in Davao City, we will provide whatever assistance we can provide. As long as they need it, as long as they are here. There also non-government organizati­ons (NGOs) who provide them assistance,” sabi niya.

Idinagdag ni Bermudo na ang pamahalaan ng siyudad ay nagkakaloo­b ng pagkain at medical assistance sa mga bakwit ng Marawi simula nang tumakas sila sa kanikanila­ng tahanan sa Marawi noong Mayo 23 dahil sa labanan ng mga sundalo at Islamic State-inspired Maute Group na tumagal ng halos limang buwan.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines