Balita

Oplan Biyahe ngayong Undas

- Jun Fabon

Inilunsad ng Land Transporta­tion Office- National Capital Region ( LTO- NCR) ang “Oplan Implan Biyahe Ayos! Undas 2017” bilang paghahanda sa inaasahang exodus sa paggunita ng Undas sa mga lalawigan sa Nobyembre 1 at 2.

Ayon kay Atty. Clarence Guinto, director ng LTO- NCR, bahagi ng paglulunsa­d ang “Seminar on Road Safety” ng mga pampubliko­ng sasakyan, lalo na ang provincial bus.

Aniya, nakipag- ugnayan na kahapon ang LTO- NCR sa Land Transporta­tion Franchisin­g and Regulatory Board (LTFRB) at LTO-Motor Vehicles Inspector Unit, hinggil sa pagsasagaw­a ng inspeksyon sa lahat ng bus terminal sa Metro Manila, bilang paghahanda sa Oplan Implan Biyahe Ayos! Undas 2017.

Nabatid na ang LTO- NCR, Department of Transporta­tion at LTFRB ay maglalagay ng “Help Desk” para maalalayan ang mga pasaherong magbabakas­yon sa mga lalawigan upang bisitahin ang mga yumaong mahal sa buhay.

Mamimigay naman ang LTONCR ng informatio­n fliers sa mga bus terminal para sa mga bus na bibiyahe papunta sa mga lalawigan at pabalik sa Maynila.

Pinaalalah­anan ni Guinto ang bus operators at drivers hinggil sa kautusan ni LTO Chief Edgar Galvante na mahigpit na ipapatupad ang 20% discount fare sa mga estudyante, may kapansanan, at senior citizens.

Magpapatup­ad naman ng random drug testing sa mga tsuper ng at konduktor na pangunguna­han ng pinagsanib-pwersang tauhan ng LTO at LTFRB.

Nagbabala rin ang LTO at LTFRB na huhulihin at kakasuhan ang mga pasaway at isnaberong taxi drivers, maging ang mga kolorum na taxi.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines