Balita

Iloilo City Mayor Mabilog sinibak ng Ombudsman

- Rommel P. Tabbad

Tinanggal na ng Office of the Ombudsman sa serbisyo si Iloilo City Mayor Jed Patrick Mabilog kaugnay ng umano'y ill-gotten wealth nito.

Sa kautusan ng Ombudsman, guilty si Mabilog sa kasong serious dishonesty na may kaugnayan sa pagkakamal umano nito ng yaman.

Bukod dito, pinagbawal­an na rin si Mabilog na magtrabaho sa pamahalaan, at kanselado na rin ang kanyang retirement benefits.

Nag-ugat ang usapin sa mga kasong plunder, dishonesty, grave misconduct, at perjury na isinampa ni Manuel Mejorada, dating Iloilo provincial administra­tor, noong 2015.

Sa affidavit of complaint, iginiit ni Mejorada na tumaas umano ng P54 milyon ang yaman ni Mabilog simula nang maupong alkalde ng siyudad.

Paliwanag ni Mejorada, hindi umano idineklara nang tama ni Mabilog ang mga ari-arian nito sa Statement of Assets, Liabilitie­s and Net Worth (SALN) noong 2014.

Kabilang din sa kinuwestiy­on ni Mejorada ang pagkakaroo­n ng mga ariarian ni Mabilog na hindi naman umano nito kayang bilhin kung pagbabatay­an lang ang sahod lang ng alkalde, at ang kita nito bilang negosyante.

Ang bahay ni Mabilog sa Barangay Tap-oc sa Molo, Iloilo City, na una nang inilarawan ni Pangulong Duterte bilang mansiyon, ay kabilang sa mga ari-arian na kinukuwest­iyon ni Mejorada.

Sinabi pa ni Mejorada na hindi tinukoy ni Mabilog sa SALN nito kung saan nanggaling ang mga yaman nito.

Matatandaa­ng tinukoy ni Pangulong Duterte si Mabilog bilang umano'y drug protector.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines