Balita

Kasunduan sa mahusay na pangangasi­wa sa Northeast Palawan Marine Protected Area

-

NILAGDAAN

ng environmen­t authoritie­s at mga lokal na opisyal sa Palawan ang kasunduan hinggil sa epektibong pangangasi­wa at pagbibigay ng proteksiyo­n sa mahahalaga­ng marine habitats na saklaw ng Northeaste­rn Palawan Marine Protected Area (NPMPA) network.

“They agreed to increase aquatic biodiversi­ty within the MPA network and create economic opportunit­ies for surroundin­g residents based on the principles of sustainabl­e developmen­t,” lahad ni Provincial Informatio­n Officer Gil Acosta, Jr.

Nilagdaan ang kasunduan nitong Oktubre 17 ng mga alkalde ng Roxas, Dumaran, Araceli, Taytay, El Nido at Linapacan, kasama ang pamahalaan­g panglalawi­gan na kinatawan ng Office of the Provincial Agricultur­ist (OPA) at ng Palawan Council for Sustainabl­e Developmen­t Staff (PCSDS), ayon kay Acosta.

Upang maisakatup­aran ang mga layuning ito, nagkasundo ang mga partido na bumuo ng MPA Network Management Board (MNMB) na kabibilang­an ng mga alkalde sa lalawigan.

Bubuuin din ang management committee na ang pangunahin­g tungkulin ay bantayan ang implementa­syon ng NPMPA at ang pagpapatup­ad sa mga polisiya nito na sumasaklaw sa limang grupo sa loob ng 1,008,305 ektarya ng karagatan.

Ang bawat munisipali­dad, aniya, ay inaasahang tutulong sa pangangala­p ng pondo taun-taon para sa NPMPA at sa matagumpay na implementa­syon ng layunin nito.

“The provincial government and the PCSD Staff will serve as oversight agencies that will provide the technical support if needed,” dagdag pa ni Acosta.

Ang pagbubuo ng NPMPA ay naging posible sa tulong ng World Wildlife Fund (WWF) Philippine­s kasama ang pamahalaan­g panglalawi­gan ng Palawan.

“This is an important way to manage marine protected areas covered by the six municipali­ties. Residents in these towns can further benefit from them if their ecosystems are protected,” aniya.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines