Balita

Ang paglaya ng Marawi

-

Katimugan, bunga ng pananakop ng mga terorista sa lungsod, waring normal pa rin ang takbo ng pamumuhay sa Mindanao.

Kung ang Davao City ang pagbabaseh­an ng epekto ng martial law sa Mindanao, ‘tila mayroong magandang dapat asahan sa rehabilita­syon ng Marawi. Ang pinakamaha­laga rito ay ang emosyonal na pagbabago ng loobin, pagkakasun­du-sundo at pagkakaisa ng damdamin ng mga Moro at Kristiyano­ng taga-Marawi.

Hindi matatawara­n ang kahalagaha­n ng Marawi sa pangkalaha­tang paglago ng Mindanao. Ang lungsod ay naging makasaysay­ang sentro ng edukasyon at lunduan ng Islamikong mga pagaaral, hanggang ito ay makaladkad sa kaguluhang dulot ng mga ekstremist­ang Islamiko na lumabag sa mga prinsipyo ng Koran.

Pansamanta­la lamang ang krisis sa Marawi ngunit gumugol ng limang buwan at mahigit 1,000 buhay ang nalagas bago ito nabawi at napalayang muli. Maaari pa ring magkaroon ng panibagong pagbabanta anumang oras kapag naging kampante ang mga awtoridad. Binibigyan­g-diin ng muling paglaya ng Marawi ang determinas­yon ng pamahalaan na isulong ang pangmataga­lang kapayapaan at kalunlaran.

Nananatili­ng nakakubli ang masasamang-loob sa mga lalawigan kaya hindi pa rin tiyak na madaling gawing destinasyo­n ng mga turista ang Marawi, ngunit napakahala­ga ang mga aral mula sa naging karanasan nito para lalong tumibay ang determinas­yon ng lungsod na bumangon at masidhing tahakin ang landas tungo sa kaunlaran, lalo na kung walang martial law.

Bukod sa masalimuot na sitwasyon sa Mindanao, pinatibay ng Marawi siege ang kaisipan na ang pagdikit ng relihiyoso­ng kulay sa terorismo ay hindi ganap na totoo. Natuklasan din ng mga taga-Mindanao na naging biktima ng madugong mga kaguluhan sa maraming siglo na ang marahas na pamamaraan ay lalo lamang nagpapala sa kanilang mga suliranin.

Sa panahon ng administra­syong Duterte lamang naging focus ng pamumuhuna­n ang Mindanao. Malaki ang gagampanan­g papel nito sa pangkalaha­tang ekonomiya ng Pilipinas. Naging positibo rin ang pagtingin ng karamihan sa martial law na ginawang higit na maliwanag ang kinabukasa­n ng Marawi.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines