Balita

MABUTING BALITA

- Rom 7:18-25a ● Slm 119 ● Lc 12:54-59

Sinabi ni Jesus sa mga tao: “Kapag nakita n’yong tumataas ang ulap sa kanluran, kaagad n’yong sinasabi, ‘Uulan,’ at ganoon nga ang nangyayari. At kung umiihip naman ang hangin galing timog, sinasabi n’yong ‘Magiging napakainit’, at nangyayari nga ito. Mga mapagkunwa­ri! Nabibigyan n’yo ng kahulugan ang anyo ng lupa at Langit pero bakit hindi n’yo sinusuri kung ano ang panahong ito?

“At ba’t hindi kayo mismo ang makapagpas­ya kung ano ang tama? Sa pagpunta mo sa maykapangy­arihan kasama ng kalaban mo, sikapin mong makipagare­glo sa kanya sa daan; baka iharap ka sa hukom, at ibigay ka naman ng hukom sa pulis para ipakulong sa bilangguan. Sinasabi ko sa iyo: Hindi ka makalalaba­s doon hanggang hindi mo nababayara­n ang kahuli-hulihang sentimo.” PAGSASADIW­A:

Nabibigyan n’yo ng kahulugan ang anyo ng lupa at Langit pero bakit hindi n’yo sinusuri kung ano ang panahong ito?— Ang mga eskriba at mga Pariseo sa kapanahuna­n ni Jesus ang mga taong kinikilala sa larangan ng pagtuturo at pagtupad sa mga Batas na itinakda ni Moises. Alam nila ang mga Batas na nagbabawal na gumawa ng masama. Batid din nila ang mga kautusan na nag-aakay sa tao na gumawa ng mabuti.

Sa kabila ng kanilang angking kaalaman at karunungan ay hindi nila nakita at hindi nila tinanggap ang katotohana­ng ipinahayag ni Jesus sapagkat sarado ang kanilang puso. Dahil sa kanilang bulag na pananampal­ataya at katigasan ng puso, dala na rin ng kanilang pagiging mapagmataa­s, hindi nila nakita kay Jesus ang Dakilang Tanda na ipinadala ng Diyos. Sadyang tanging ang mga may mababang-loob at may malinis na puso lang ang tunay na nakakakita sa Diyos.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines