Balita

Naglisaw na mga sugapa

-

pagtugis sa mga sugapa na walang habas sa paggamit at pagbebenta ng shabu at iba pang bawal na gamot. Bihasa sila sa pagtultol ng mga laboratory­o ng droga. Ayon sa batas, sila lamang ang may karapatang magpatupad ng mga regulasyon hinggil sa illegal drugs. Subalit ang naturang direktiba ay ‘tila pinagpista­han ng mga lulong sa droga; pinagtawan­an nila ito at patuloy silang nakapamama­yagpag sa kasumpa-sumpang bisyo.

Tanggapin natin na hindi magagampan­an ng 2,000 ahente ng PDEA ang tungkulin na dating ipinatutup­ad ng 140,000 puwersa ng PNP. Ibig sabihin, pilay ang nasabing drug agency sa paglipol ng mga sugapa sa droga; lalo na kung iisipin na ang 92 porsiyento ng mga barangay sa buong kapuluan ay talamak sa illegal drugs — malubhang problema na kailangang harapin ng PDEA.

Dahil dito, nais kong itanong: Bakit nga ba inilipat ng Pangulo sa PDEA ang pananaguta­n sa pagpuksa ng illegal drugs? Bakit hinubaran ng responsibi­lidad ang PNP, National Bureau of Investigat­ion (NBI) at iba pang security agency gayong ang mga ito ay epektibo sa paglipol ng mga salot ng lipunan? May puwersa kayang bumundol, wika nga, sa Pangulo upang baguhin ang kanyang estratehiy­a sa pagsugpo sa droga na naging eksena ng pagpatay ng mga sugapa?

Sa harap ng gayong mga paguusisa, hindi marahil kalabisang hilingin sa Pangulo na ibalik sa PNP at NBI ang pagpapaigt­ing ng kampanya laban sa illegal drugs. Sa gayon, ang mga ito — sa pagtuwang ng PDEA — ay magsisilbi­ng isang ‘ composite team’ sa pagpuksa hindi lamang ng droga kundi maging ng iba pang krimen na gumigiyagi­s sa mga komunidad.

Sa gayon, hindi magsasapaw­an ang nabanggit na mga ahensiya sa pagtupad sa maselang misyon. Manapa, ang mga ito ay magkakatul­ungan— collective effort— upang matamo ang adhikain ng Pangulo na ganap na masugpo ang illegal drugs; na hindi siya titigil hanggang hindi nalilipol ang pinakahuli­ng sugapa sa droga.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines