Balita

Una ang edukasyon —Kingad

-

HINDI lahat nang fighter ay lumalaban para sa kabuhayan. Meron din, tulad ni Team Lakay mainstay Danny ‘The King’ Kingad na kasiyahan at pagmamahal sa sports ang dahilan sa pagsalang sa mixed martial arts.

Pangkarani­wang dahilan nang mga boxers at MMA fighter ang kahirapan sa kanilang desisyon na pumasok sa sports, ngunit sa tulad ni Kingad na nagtapos ng kolehiyo (Bachelor degree in Education) sa University of Cordillera­s, ang pagsabak sa sports ay bahagi lamang para masustinah­an ang kanyang pagaaral.

Maipagmama­laki ni Kingad na ang kanyang desisyon na sumabak sa MMA ay malaking naitulong sa kanyang paghahanda para sa kinabukasa­n.

Kung karamihan sa mga fighters ay piniling mag-focus sa laban, hinati ni Kingad ang oras at panahon para makatapos ang kurso at maging isang guro.

“I am still studying, but I learned how to manage my time with the help of my coaches and senior teammates,” pahayag ni Kingad. “I love this sport. I love to compete because this is my passion.”

Nasa ikalawang taon na sa kursong Physical Education ang 22anyos na si Kingad, ngunit hindi niya nakakaligt­aan ang magsanay para maihanda ang sarili sa mga laban.

Sa kasalukuya­n, itinuturin­g isa sa pinakarama­tikas na Team Lakay fighter si Kingad at unti-unti nang nagiging sikat ang kanyang pangalan sa MMA community.

Sa edad na 22 unti-unti nang inaani ni Kingad ang kanyang pinagpawis­an tangan ang 5-0 karta.

Hinikayat ng ONE ang batang Baguio City na dalhin sa ONE FC ang kanyang talento at bilang panimulang aksiyon isinama siya sa undercard ng ONE: GLOBAL RIVALS sa Manila noong April 2016.

Hindi naman nabigo ang mga tagahanga ni Kingad sa impresibon­g first-round technical knockout kontra Muhamad Haidar ng Malaysia.

Sinundan niya ito ng matikas na panalo kontra sa kababayan na si Eugene Toquero via first-round armbar noong December 2016.

Nitong Abril, lutang na lutang ang kahusayan ni Kingad tungo sa unanimous decision na panalo laban kay Malaysia’s Muhammad Aiman.

Bunsod nito, kumpiyansa si Team Lakay head coach Mark Sangiao na matutulara­n niya ang tagumpay sa sports ni Eduard ‘The Landslide’ Folayang, kasalukuya­ng ONE Lightweigh­t World Champion.

“There’s no pressure on my part. To me, it’s a privilege to hear that from Coach Mark. I believe in what he said because I train with the best,” pahayag ni Kingad, patungkol sa naging pahayag ni Sangiao.

Sa kabila ng tagumpay na tinatamasa, nananatili­ng prioridad niya ang edukasyon na aniya’y magagamit niya sa panahon ng kanyang pagreretir­o.

“Education is very important because my career as a fighter will not last for a long time. By the time I reach 38 or 40 years old, I need to retire and have another day job to support my family,” aniya.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines