Balita

KORONASYON!

Ginebra at Meralco sa ‘sudden death’ Game 7

- Laro Ngayon (Philippine Arena) 7 n.g. -- Ginebra vs Meralco Marivic Awitan

WALANG naganap na selebrasyo­n sa barangay nitong Miyerkules.

Ngayon, hindi lamang ang tagahanga ng Barangay Ginebra ang maghahanda ng masaganang piging, bagkus maging ang Meralco Bolts fanatics.

Magtutuos ang Kings at Bolts ngayon sa ‘do-or-die’ Game Seven ng PBA Governors Cup championsh­ip ganap na 7:00 ng gabi sa Philippine Arena.

Nabalahaw ang pinaghanda­ang piging ng Kings nang mabigong makaulit sa Bolts sa Game Six, 98-91.

Gagamitin ng Meralco ang momentum at inspirasyo­n na kanilang kinabig sa malaking panalo, habang sisikapin ng Barangay Ginebra na muling ma - involve sa laro ang kanilang sixth man at pinakamala­king bentahe sa serye-ang kanilang mga fans sa muli nilang pagtutuos.

Wala nang bukas. Matira ang matibay.

Bukod sa inaasahang maaksiyong tunggalian, target din ng liga na malagpasan ang crowd attendance na 53,643 nitong Miyerkules.May 55,000 sitting-capacity ang Arena.

Para sa Bolts, napakalaki­ng bagay ang naipatas na serye sa kanilang kampanya na makabawi sa kabiguan sa Kings sa nakalipas na conference.

Ang panalo ay isang indikasyon para sa Meralco na kaya nila at may pagkakatao­n na silang manalo ng pinakaaasa­m na unang titulo.

“‘Hindi lang sa’kin, pati sa buong Meralco team kasi kung makuha namin [yung title], first time ng franchise ‘to. Sa akin din siyempre tumatanda na tayo, ‘ di natin alam kailan pa ulit magfa- Finals ang Meralco, so kumbaga may chance kami makuha ‘ to,” ayon kay Reynel Hugnatan, bayani ng Bolts sa Game Six sa naiskor na 24 puntos. “Sana nga,” aniya. Para naman sa Kings, naniniwala silang kailangan nilang higitan ang effort partikular ang pagiging agresibo ng Meralco.

“We have to be prepared again to be the more aggressive team hoping to Game 7.Wala ng masyado sa X’s and I’d yan e. It’s whoever wants to win the game,” pahayag ng beteranong guard ng Ginebra na si LA Tenorio.

“It’s not about schemes, doing this, doing that, it boils down to who wants it more,” aniya.

Kinakailan­gan din nilang magawang muling ma- involve ang kanilang mga fans sa laro na isang napakalaki­ng bahagi ng tagumpay ng Kings.

“We have to involve them (fans) kasi part namin sila. Sila yung bumubuhay sa min, “ayon pa kay Tenorio.

 ??  ?? MARKADO! Pinatunaya­n ni Reynel Hugnatan na hindi siya dapat balewalain ng depensa ng Ginebra Kings. Hataw ang kaliweteng si Hugnatan ng 24 puntos sa 98-91 panalo ng Meralco Bolts sa Game 6 sa kanilang best-of-seven PBA Governors Cup championsh­ip nitong...
MARKADO! Pinatunaya­n ni Reynel Hugnatan na hindi siya dapat balewalain ng depensa ng Ginebra Kings. Hataw ang kaliweteng si Hugnatan ng 24 puntos sa 98-91 panalo ng Meralco Bolts sa Game 6 sa kanilang best-of-seven PBA Governors Cup championsh­ip nitong...

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines