Balita

55,000 nakipaglib­ing kay Cardinal Vidal

- Ni KIER EDISON C. BELLEZA

Sa gitna ng manit na sikat ng araw, libu-libong tao ang naghatid kay Cebu Archbishop Emeritus Ricardo Cardinal Vidal sa kanyang huling hantungan, kahapon ng umaga.

Sa pagdaan ng kabaong ni Vidal, naghagis ng mga talulot ng bulaklak ang mga nagdadalam­hati, ang ilan ay nakasuot ng puting kamiseta na may nakaimprin­tang mukha ng yumaong cardinal.

Inilagay ang mga labi ni Vidal sa antigong carroza at dinala sa Cebu Metropolit­an Cathedral (CMC) dakong 10:30 a.m. para sa maikling prusisyon sa paligid ng parokya.

Kumaway at nagwagaywa­y ng mga bandila ang mga mananampal­ataya, habang ang ilang gusali ay nagsabit ng mga tarpaulin na may nakasulat na mensahe sa wikang Italian: “Thank you very, very much your eminence. Ti amiamo e ti ricorderem­o sempre.”

Sa taya Cebu City Disaster Risk Reduction and Management Office at ng City Police, nasa 55,000 katao ang dumalo, sa loob at labas ng CMC.

Bago ang prusisyon, nagdaos ng funeral mass na pinangasiw­aan ni Cebu Archbishop Jose Palma. Si Cebu Auxiliary Bishop Dennis Villarojo naman ang nagbigay ng homily.

Sa kanyang 15-minutong sermon, sinabi ni Villarojo na hindi niya malilimuta­n ang mahalagang payo sa kanya ni Vidal.

“(Eminence) you said: “Do not quarrel with the religious sisters”… It was not because they are quarrelsom­e by nature…(But) what you told me then was a formula for peace,” aniya.

Ayon sa Auxiliary Bishop, hindi niya narinig na nagmura si Vidal sa loob ng 13 taong pagsisilbi niya sa ilalim nito. Sa halip, ang tanging namumutawi sa bibig ng Cardinal kapag ito ay nagagalit na ay ang salitang ‘pambihira.’

Sa kanyang mensahe sa Eucharisti­c celebratio­n, ginunita ni Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle ang masasayang alaala niya kay Vidal.

“Whenever I see him, he calls me or greets me ‘Oh, my dear. How are you, my dear? My dear, you lost weight’… ‘My dear’ means my beloved,” pagbabahag­i ni Tagle.

Sinabi ni Cebu Archdioces­e Media Liaison Officer Msgr. Joseph Tan na si Vidal ay tila “Cebuano hero” sa dami ng mga dumagsa sa CMC.

Bukod kay Tagle, dalawa pang nalalabing cardinal sa bansa – sina Gaudencio Rosales at Orlando Quevedo – ang dumalo sa libing ni Vidal.

Halos 40 obispo mula sa iba’t ibang bahagi ng bansa ang dumalo. Nakipaglib­ing rin ang maraming pulitiko at mga kilalang tao sa lipunan.

 ?? JUAN CARLO DE VELA ?? DAGSA ang mga Cebuano sa funeral mass at procession sa Cebu Metropolit­an Cathedral para sa libing ni Cebu Archbishop Emeritus Ricardo Cardinal Vidal kahapon.
JUAN CARLO DE VELA DAGSA ang mga Cebuano sa funeral mass at procession sa Cebu Metropolit­an Cathedral para sa libing ni Cebu Archbishop Emeritus Ricardo Cardinal Vidal kahapon.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines