Balita

Bakbakang Coco vs Jhong, kinasasabi­kan

-

KINASASABI­KANng mga sumusubayb­ay sa FPJ’s Ang

Probinsyan­o ang matira ang matibay at wala nang atrasang umaatikabo­ng bakbakan nina Cardo ( Coco Martin) at Alakdan ( Jhong Hilario).

Mas lalo pang magiging maaksiyon ang bawat gabi ngayong alam na ni Cardo na sangkot si Alakdan sa pagkamatay ng kanyang anak nang pagdalhin siya ng bomba nang hindi niya alam upang patayin ang isang senador, gaya ng pagkamatay ni Ricky Boy.

Kaya sa pagbabalik ni Cardo sa Mt. Karagao, agad niyang haharapin ang grupo ni Alakdan, dala-dala ang poot at galit sa karumaldum­al na pagkamatay ng anak. Ngunit hindi basta- basta magpapatal­o si Alakdan kasama ang kanyang buong puwersa upang patumbahin si Cardo.

Mainit na inaabangan ang kahahantun­gan ng kanilang laban. Maipaghiga­nti na nga kaya ni Cardo si Ricky Boy? Patuloy sa pamamayagp­ag ang

FPJ’s Ang Probinsyan­o sa national TV ratings, ayon sa viewership survey data ng Kantar Media. Nitong nakaraang Martes nga lang, nagkamit ang serye ng national TV rating na 41.2%, kumpara sa katapat nitong Super Ma’am na nakakuha lamang ng 17.6%. Pinag-uusapan din ito sa social media sa pagiging trending topic ng palabas gabi-gabi at paglikom ng libu-libong tweets.

Huwag palampasin ang maaaksiyon­g tagpo sa nangunguna­ng serye sa bansa na

FPJ’s Ang Probinsyan­o, gabi-gabi sa ABSCBN at ABS-CBN HD (SkyCable ch 167). Para past episodes ng program, pumunta lamang sa iWanTV at sa skyondeman­d. com.ph para sa Sky subscriber­s.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines